2:|| Tagay

235 13 5
                                    

6:30 am. Maaga akong nagising para magtrabaho. Dapat hindi ako papasok ngayon, plano ko sana mamaya pa akong 10:00 magigising, kaso napagdesisyunan kong sayang yung sweldo ko para sa araw na ito.

Dati, half-day lang ako sa McDonalds, suma-sideline para makakuha ng pangastos sa mga projects at gamit sa school. Madali lang naman ang trabaho, hindi naman nila ako pinakakain ng espada. Sa totoo lang eh, ako pa nga ang nagnanakaw ng pagkain, pira-piraso ng fries. Buti hindi ako nahuhuli sa CCTV.

Ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin. Ibinabad ko na yung mga labahin, hinugasan ko na lahat ng pingan, at plinantya ko na lahat ng dapat iplantya. Kumain na ako, naligo, nagbihis, pabango, paalis na sana ako noong bigla kong nakita na may laman palang letter yung mailbox namin.

Madalas puro bill lang iyon na pababayaran ko kay Aron, isasabit ko lang sa ref gamit ng magnet, tapos makikita na niya. Pero ngayon, iba ang nadatnan ko. Matagal ko nang hinihintay ang bagay na iyon, mga dalawang linggo narin.

Ang ganda ng pagkakasulat, binasa ko agad yung umpisa ng envelope. To Mr. Jose Alfred Samonte

Ayos, ito na siguro yung letter ko papuntang Hogwarts, late lang dumating kasi labing-walong gulang na ako, dapat labing-isa. Sigurado eto na talaga iyon, pupunta na ako sa pinaka-magical place on Earth kung saan lalabanan ko si Voldemort! Cool.

Binuksan ko agad yung letra, kinuha ko mula sa envelope at binasa sa aking isip.

Mr. Samonte,

     We are very sad to say that we can’t accept your book proposal. It seems like we have a lot of books with that genre right now. Although we see how much potential you have, it’s just that blah blah blah You may try again next time, or with another book.

-Visprompt publishing

Isa nanamang rejetion notice para sa sinulat kong libro. Okay lang, nakaka bente-nuebe palang naman akong rejection notice. Sabi nga nila, ‘try and try until you succeed’ at hindi ako susuko hanggat walang publisher ang hindi tumangap sa libro ko. Kung si Rowling nga na author ng Harry Potter nakatangap ng trentang rejection, ako pa kaya na twenty nine palang?

Umakyat ako sa kwarto, linapag ang rejection notice sa pader at ipinaskil ko iyon gamit ng tamtaks. Meron akong 29 na kaparehong slip ang nakasabit din sa pader. Sabi nga ni Aron balang araw magiging wallpaper daw iyon ng kwarto ko sa sobrang dami. Hindi ako naniwala. Mas gusto ko yung Garfield ko na wallpaper.

Paglabas ko, nakasalubong ko si Aron. Malaki ang tiyan, nakasuot ng puting T-shirt, salamin, at parang pinugaran ng ibon ang buhok. “Ang aga mo ah. Akala ko ba hindi ka papasok?”

“Maraming namamatay sa maling akala.” Sagot ko.

“Pero sabi mo kagabi—“

“Past is past”

“Tae tsong ang gulo mo.”

“Kung natatae ka nasa baba lang yung CR, at hindi ako maghuhugas ng pwet mo.” Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa pinto. “Sige, una na ako, bahala ka na. Wag mong ubusin yung pagkain sa ref.”

“Walang laman yung ref!” Sigaw niya.

“Kita mo, hindi pa ako nakaka-alis inubos mo na! Kaya ang taba taba mo eh!”

_______

8:00 am. Bihis na ako ng uniform namin sa Mcdo, nasa harap na ako ng counter at naglilingkod sa mga customer na bumibili.

“Good morning ma’am, welcome to McDonalds! May I have your order please?” Masaya kong sinabi ang mga salita habang naka-ngiti. Dapat kasi ganun, dapat muka kang masaya sa harap ng customer, kahit sa loob loob mo gusto mo na siyang patayin, dapat magpakita ka parin ng positibong damdamin.

PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon