FOREWORD

10 2 1
                                    


Noon nagsusulat ako at ginagawa kong rason ang mga taong nasa paligid ko. Oo madali lamang ito para sa akin dahil binabase ko lang naman lahat sa mga naranasan nila at pinagdaanan nila. Oo yung kanila lang kasi wala pa yung akin, hindi ko pa noon alam ang pait at sakit ng maiwan at sarap at saya ng pag-ibig.

Ngayon itong isinusulat ko ay matatawag ko nang akin. Istorya ko na ito at ng pinagdaaan ko dahil salamat sa Diyos naramdaman kong tao rin pala ako. Nagmahal , Kinilig, Umasa, Kumapit, Binitawan, Bumagsak, Nasaktan at ngayon Nagsusulat upang makabangon sa pait na sobrang hirap palang maranasan na sobrang hirap pag-daanan.

Oo ikaw na nasaktan! Ito ang dapat mong tandaan, WALANG PANSAMANTALA SA MUNDO KAHIT NA SAKIT AY HINDI KAYANG MANATILI. Para naman sa mga taong namumulaklak pa lamang ang pag-ibig, Damahin mo ang saya at kapitan mo ang pag-ibig dahil kung ibagsak ka man nito hindi ka naman niya iiwanang walang pagbabago.

Ang mundo para sakin ay nahahati sa dalawa lamang ang UMIIBIG at NASASAKTAN. 

Fall- Change- LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon