Sabihin na nating after ng past ko naging man hater na ako. Eh! Kasi naman ikaw ang pag-laruan ginawa ka pang basketball. Bakit hindi ko pa kayang kausapin siya? Move on na ba ako?
*Well actually simple lang naman ang steps ng pag mo-moveon una hanapin ang rason kung bakit ka nya iniwan. Pangalawa tingnan mo kung ikaw o siya ang mali. Pangatlo change for yourself. Pang lima see him again kung masakit pa bang nakikita mo sya. At ang last ay pag nasaktan ka ulit at feeling mo hindi mo pa kaya siyang makita bumalik ka sa step 1.*
Pagkatapos ng First encounter namin ni Kaizer madalas ko na siya nakikita sa department building ko. Never ko siyang inapproach kaso nagtext sakin ang dati kong kaibigan.
Ang sabi....
"Joanna I planned a get together sa house ko mamaya kasama ang iba nating classmates."
Syempre akala ko hindi siya kasama kaya pumunta ako sa get together. At sa kasamaang palad nakita ko siya doon pero hindi ko parin siya pinansin.
Lumapit sakin yung dating nang-aasar sakin.
"grabe Joanna ikaw na ba yan? Ang ganda mo na ha!"
"Upakan kita jan manahimik ka nga" sabi ko
"Woah! Kung ganyan ka lang dati mamahalin kita"
"Badtrip naman dito" sabi ko
Pagkatapos ng unang pakikipag-usap ko sa buong gabi nag-umpisa na ang shots ayun naparami ata ako.... Pag gising ko nasa ibang bahay na ako!
Sobrang sakit ng ulo ko! Pagmulat ng mata ko kinapa ko yung kama... parang abs pag harap anak ng tokwa! Si Kaizer!! Napasigaw ako!
"Ah!!!! Anong ginawa mo sakin?" sabi ko sabay baba ng kama.
"Ha? Let me explain?"
"Nako tigilan mo ako Kaizer! Bakit ako nandito? Bakit ako nasa kama mo! Tulong tulong!"
"Pag hindi ka tumigil! Gagawin ko talaga sayo yang nasa utak mo!"
"Oh! Sige shut-up nalang muna ako"
"Coffee?" sabi nya ng may pagpapa cute.
Bumaba kami sa kitchen nila at habang nagkakape ako nagluluto naman siya ng breakfast namin.
Grabe wala talaga akong maalala kagabi!
"Bakit ako nandito?"
"Wala ka bang naalala? Nung nagsimula ang shots mga one hour ok pa yung shots mo pero nung natamaan ka na bigla kang lumabas. Sinundan kita kasi baka kung mapano ka"
"Stalker!"
"Patapusin mo muna ako pwede? Tapos yun lasing na lasing ka na talaga sinukahan mo ako tapos nag passed out ka hindi kita magising hindi ko naman alam kung saan ka nakatira so... dinala kita dito sa bahay... wag ka mag-alala nothing happened....pero kung mag-lalasing ka mag-iingat ka ha naiiuwe ka ng walang kamalay-malay kung masamang tao ako edi pano kana? Why do I always have to save you?"
"masamang tao ka naman talaga" pabulong kong sinabi
"Anong sinabi mo?"
"Salamat sabi ko salamat!"
And out of the topic bigla nya tong sinabi....
"Sorry nga pala sa nagawa ko dati yung mga panahong yun hindi pa ako seryoso"
"Ah! Yun ba sus wala na yun dati pa yun"
"So friends na ulit?"
"Acquaintance muna pede?"
"Sure"
Hinatid niya na ako sa bahay, nakatulog ako pagkatapos pagkagising ko naalala ko na ang buong nangyare!
Ganito naparami na ako ng inom kaya lumabas ako para magpahangin...ng biglang may tumabi sa akin
"Hindi mo na pala ako kilala" sabi ni Kaizer
"Kaizer? Kaizer Hindi ko kilala yung kaizer!"
"Akala ko ba hindi mo ako kilala" sabi niya sabay tawa
"Oo kinalimutan na kita pero eto! Etong puso ko tandang tanda ka pa!" sabi ko sabay suntok sa kanya
Niyakap niya ako ng mahigpit as in sobrang higpit
"I am sorry nagkaganyan ka sorry Jo!"
Pagkatapos nun sumuka na ako then pag gising ko umaga na.
*Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula!! Kung alam mong nandyan pa si past wag mag madami ng alak kung ano- anong sinasabi! Ikaw din mapapahiya sa kanya sige ka at ang isa pang lesson dito ay ang tunay na nagmamahal matagal makalimot pwede naman kasing makapag move on kana sa mga nangyare pero hindi naman ibig sabihin na kapag nakapag move on kana hindi mo na siya pwedeng mahalin pa. *
BINABASA MO ANG
Fall- Change- Love
Teen FictionYung mga bagay na hindi natin inaasahan ito yung mga bagay na magbibigay saya at ito rin ang mga bagay na hindi mo rin aasahang umalis at magbibigay sayo ng hindi mo inaasahang sakit. Dito mo makikita ang hindi mo inaasahang tunay mong pagkatao dahi...