Nakahiga lang ako sa kama ko habang tinitignan mula sa bintana ang bawat patak ng ulan. Walang internet ngayon. Kaya eto, walang magawa. Kinuha ko ang phone ko sa tabi ko at agad tinignan ang picture naming dalawa nung highschool.
Kuha ito nang mapagtripan ako ng mga kaibigan ko at pinilit na magpa-picture sakanya. Isang taon na pala ang nakalipas..Napabuntong hininga ako. Iniisip ko kasi na parang walang makakaintindi ng nararamdaman ko ngayon.
I still like Mark. I like him so much. Nakakaawa nga ako eh. Oras-oras, araw-araw, naiisip ko siya samantalang wala naman siyang paki. Wala siyang idea na hanggang ngayon, siya padin pala talaga.
Madami akong nakilalang bago. May ibang tao din akong nagustuhan. Pero mali ako. Pansamantala lang pala 'yun. Panandalian kasi siya pa din pala talaga. Hindi ko alam kung ano din bang feelings nya para sakin pero ayaw ko namang mag assume.
Ang totoo niyan, nawala naman na talaga 'tong bwisit na feelings ko para sakanya. Pero nung napanaginipan ko siya ng ilang gabi, ginulo nanaman niya ako.
Akala ko, nawala at nakalimutan ko na siya nung gabing ni-reject niya ako, pero akala ko lang pala 'yun. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya sakin nung gabing 'yun, "Marami pang iba diyan." Oo nga eh, pero wala eh. Ikaw pa din talaga. Wala kaming pinagsamahang matagal at hindi kami close pero bakit ganito?
Madaming bagay na akong nakita sakanya na dapat ika-turn off ko pero still, gusto ko pa din siya. Ayoko na sa totoo lang. Naiinis ako sa sarili ko, dahil eto baliw na baliw kaiisip. Pero siya walang paki at walang idea na nagkakaganito pala ako. Wala kasing klarong sagot sa tanong ko kung bakit ganito?
Sana pag gising ko, wala na siya. Hindi ko na siya maalala. Gusto kong isampal sakanya 'yung mga katagang, "Bwisit ka. Ginayuma mo ba ako? Kasi kung oo, please lang alisin mo na. Kasi masakit. Kasi hanggang ngayon tumatalab pa din ang bisa nito." Ayoko na. Kasi ang sakit niya lang sa ulo pati narin sa puso. Gusto ko ring sabihin sakanya na, "I like you. I hope you feel the same way."
Hindi rin naman ako nage-expect pa. Kung gusto niya rin ako, masaya na ako dun. Ayoko siyang maging boyfriend or ka m-u. Ayoko ng ano mang commitment. Gusto ko lang ng klarong sagot. Ano bang ginawa niya at gustong gusto ko siya? Hindi ko nga alam kung mabait ba sya, o kung anong ugali ang meron siya. For short, hindi ko kilala ang totoong SIYA. Pero kahit ganon, siya pa din ang gusto ko.
Sana dumating yung araw na kapag nakita ko siya ulit, ngingitian ko nalang siya at masasabing, "Kamusta ka na?"
BINABASA MO ANG
Still Into You (ONE SHOT)
Short StoryNaramdaman mo na bang magka-gusto sa taong ang layo layo sa'yo? Naramdaman mo na bang magka-gusto sa taong kahit kailan, hindi naramdaman ang presensya mo? Naramdaman mo na ba na parang gustong gusto mong sabihin sakanyang, "I like you, kahit di na...