1
(February 1, 2015)
Rev**
"Syete! Asan na si Regina?! Bakit hinayaan niyo siyang umalis mag isa! Alam niyo namang hindi siya sanay na umalis mag isa diba?!"
"Ee kuya sabi niya kasi alam na daw niya at sanay na daw siya"
"Naniwala naman kayo! Buset! Tulungan niyo akong hanapin yung batang yun!"
"Sorry po kuya."
"Kapag nawala talaga yun! Hindi ko alam kung sinong dapat sisihin sa inyo e!"
"Ano ka ba Rev, 17 na yung kapatid mo, kaya na niya sarili niya."
"Hindi Jezza e, para kasing kulang kulang yung kapatid kong yun e. Hindi lagi alam ang ginagawa, at higit sa lahat.. Siya yung tipo ng taong hindi kayang umalis o mag lakad mag isa kahit san malapit man yan o hindi! At isa pa baka mapaaway yun dito. Alam mo naman yung nangyari dati diba?"
"Oo nga pala. Sige tara hanapin na natin siya."
Regina**
Mommy ko! Ay wala pala akong mommy! Ulit!
Kuya koooo. Huhuhu.
Asan na ba ako? Bakit kasi umalis pa ako? Ano bang naisip ko at nagkaroon ako ng lakas ng loob para lumayas?!
San na ba ang daan? Huhuhu T_T*takbo..
*takbo..
*tak..
"Arraaayyy!"
Huhu sino naman 'tong bwiset na to. Susumbong ko 'to kay kuya!
"Sorry miss!"
"Sorry?! Nakita kita nakatingin sakin! Umiwas na ako sayo kasi tumatakbo ako tapos nabangga mo pa ako! Tapos sorry?! Nananadya ka ee!"
"Ano ba miss, hindi ko sinasadya okay? sorry na nga diba?"
"Wala akong pakialam sa sorry mo! Diko kelangan yan! Nananadya ka sabihin mo! At yun tatanggapin ko pa!"
"Aishh!! Ang kulit!"
"Regina!!"
Napalingon ako sa mga taong sabay sabay tumawag ng pangalan ko. Waaahh! Buti Nakita nila ako! Kundi paktay na! Huhu.
"San ka ba galing ha?!"
"Naghahanap ng destiny!"
At saka ko sila tinakbuhan..
Gusto ko ulit lumayo!Pero..
Bakit ko sila tinakbuhan? Huhu. Hindi ko na talaga alam ang pupuntahan ko! Kuya kooo!
Kuya Rev**
"Rev?"
"Qwek ikaw pala, pasensya na ah kelangan ko pa kasing habulin yung kapatid ko. Kanina pa kasi yan nawawala. Sa kung saan lupalop nanaman nakakuha ng lakas ng loob at tinakbuhan nanaman kami! Sige pare, kita nalang tayo."
"Ge"
Regina**
Hmm!! Parang alam ko ang daan na ito ahh. Nadaan ko na ito. Kanina! Tama! huhu diba nadaanan ko 'to?
"Huhuhu. Lord please sana hanapin ulit nila ako. Promise diko na po sila tatakbuhan! Gusto ko na po umuwi samin! Hindi po sa bahay ng mga malignong sira ulong tinitirhan namin ngayon ha! Huhuhu"
"Palayas layas kasi"
Kinabahan ako bigla sa nagsalita sa likuran ko. Pero familiar boses niya! Pero hindi! Hindi ko siya kilala!