3
**Regina
"Kuya kase! Dito na ako tutulog, ang laki laki ng kama mo e!"
"Aiishh. Ang kuliiit kulit mo. Di nga pwede, kase dito matutulog ang Ate Jezza diba?"
"Hmp! Okay"
*pout
Umalis na ako dun sa kama niya.
Gusto ko lang naman makipag kwentuhan sa kanya e :("Haha tatampo na siya oh, halika na nga dito"
Yehey! ^_^ sabi ko na e, di ako matitiis ni Kuya.
Tumakbo agad ako pabalik dun sa kama niya.Humiga agad ako sa binti ni kuya.
"Ikaw talaga. Haha lagot ka sa Ate Jezza mo" sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.
"Ee! Hindi yun! Bati kaya kami ni Ate Jezza!"
Biglang bumukas yung pinto nung kwarto ni kuya.
"R-Regina, andito ka pala."
"Hi Ate! ^_^ diba bati tayo? Ayaw kase maniwala sakin ni Kuya e"
"O-oo naman. Bakit naman tayo hindi magiging bati"
Bakit kaya nauutal siya?
"Ate may sakit kaba?"
"Sakit? Haha bakit naman?"
"Hmm, wala lang."
Ngumiti lang siya sakin tapos tumabi siya kay kuya..
"Hindi ka pa ba tutulog Regina?"
Umupo na din ako at ngumiti sa kanya.
"Tutulog na po, at dito ako tutulog! Hihi""H-ha?" Napatingin siya kay kuya.
"Ang kulit e, hayaan mo na"
"Ganun ba, sige. Ako nalang muna lilipat ng kwarto"
"Sige ate! Kung gusto mo dun ka nalang sa kwarto ko, hihi. Madami akong toys dun!"
"Haha ikaw talaga, sige" Tumayo na si Ate Jezza tapos nikiss niya si kuya sa lips.
"Goodnight Hon, goodnight Regina"
Sabi ni ate Jezza."Goodnight"
tapos si kuya naman yung kumiss sa kanya pero sa cheeks lang.Ouch
Ha? Sinong nag ouch ha!? Sino yun? Mumu T_T
"Okay ka lang bunso?"
"O-okay lang po kuya"
"Tulog na tayo?"
"Ayaw! Mag kwentuhan muna tayo kuya. Puuuleaseee" sabi ko sa kanya habang nikikisap kisap ko yung mata ko.
"Hayy sige na, ano ba yun? Haha"
"Kase kuya, ayoko talagang magpakasal"
**Rev
"Kase kuya, ayoko talagang magpakasal" bigla siyang sumeryoso.
"Ahhhh!!"
Si Jezza.
"Hala si Ate Jezza!"
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga ko nung biglang tumawa si Regina.
"Kuya! Hahaha baka nabiktima lang siya nung manika ko hahaha"
Ayy oo nga pala. Haha baliw talaga 'tong kapatid ko. Nagsasabit kase siya ng manika sa pinto niya para daw masanay siyang nagugulat o natatakot, para hindi siya mahimatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/74740836-288-kfab004.jpg)