(Chapter 2)

2 0 0
                                    

2

**Von

"Regina?!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko nung marinig ko yung boses ni Rev.

Lumabas ako ng kwarto, lalapit sana ako kaso may kung anong pumipigil sakin kaya sinilip ko nalang sila.

"Fvck! Tabi!"

Sigaw niya habang buhat buhat niya yung kapatid niya. Kitang kita sa mukha niyang sobrang nag aalala siya, ano bang nangyari?

Pagkalabas nila, lumapit agad ako kay Jerold na nakatayo lang din kanina habang nakatingin kana Regina.

"Anong nangyari?"

"Hindi ko po alam Sir, asa loob po ako. Kinukuha etong order niyo"

Napatingin ako sa hawak niya.

"Iuwi mo nalang yan. Magsara na kayo"

Tumalikod na ako sa kanya at bumalik sa loob nung kwarto para kunin yung mga lobo.

"S-salamat po Sir"

Sabi ni Jerold ng makalabas ako nung kwarto. Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na ng resto.

Sumakay na ako sa kotse ko, bitbit yung mga lobo. Inilagay ko muna yung nga lobo sa likod ng kotse ko. Hindi naman lilipad yun.

Nakahawak lang ako sa manibela, Bakit ganun? Bakit nasaktan siya sa mga nasabi ko kanina? Dahil ba magpapakasal talaga siya? At ayaw niya lang sabihin sakin yung totoo?
Pero tama lang naman na sinabi ko lahat yun kanina. Kase baka masaktan lang siya sa huli.

"Hayy" napabuntong hininga nalang ako, at pinaandar ko na yung kotse.

**Rev

"Simula ngayon! Hindi niyo na siya hahayaang umalis! At kung pwede lang Rev, ikulong mo muna yang kapatid mo"

"Ma! Hindi naman ata tama yun!"

"Rev, pinagbigyan lang kita na samahan mo yang kapatid mo diyan! Papauwiin ko na yang kambal dito, at kapag yang kapatid mo nakatakas nanaman sayo. Umuwi ka narin dito!"

"Pero ma--"

*toot

"I-ikukulong mo ako k-kuya?"

Napatingin ako sa direksyon niya.

"Bunso?"

Bigla siyang tumakbo, buti nalang mabagal 'tong manakbo kaya nahabol ko rin agad.

"K-kuya! H-hindi mo na din ba ako l-love?" Sabi niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
Niyakap ko siya agad. Sobrang sakit, ang sakit-sakit na wala manlang akong magawa para sa kapatid ko.

"Shhh.. Love kita syempre. Love na love na love ka ni Kuya"
Pinahid ko agad yung luhang tumulo sa mata ko.

"K-kuya p-promise dina po ako aalis! W-wag mo lang ako i-ikulong!"
Yumakap na din siya sa akin at humagulhol.

"Shhh. Tahan na, hindi ka ikukulong ni Kuya okay? But please, behave"
Inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya. At pinahid ko yung mga luha niya.

"O-opo"

"Sige na, mag ayos kana. May darating tayong bisita"

"B-bisita?"

"Oo, kaya maglinis kana okay?"

Ginulo ko yung buhok niya at ngumiti ako nalang ako sa kanya.

The Letter Of TruthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon