Umibig naba kayo? Umibig sa kadahilanang hindi mo naman alam kong bakit. Ang pag ibig daw kasi ay nararamdaman ng hindi natin sadya. Yung tipong napatingin ka sa isang tao at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso mo. love at first ika nga. Naranasan ko rin yan..
Naranasan kong ma love at first sight sa taong na tutulog sa ilalim ng kahoy sa Lumang plaza samin. Tahimik kasi dun walang ka tao tao. Naisipan ko kasing mamasyal dun. Wala lang trip ko lang haha napadpad ako sa isang malaking puno ng manga dun. napatingala ako.
"Ang laki laki mo na.."
Napangiti ako, may naaalala kasi ako.
Umikot ako sa punong manga. Ang laki kasi nito pwede ka ngang mag tago taguan dito eh. Haha
Medyo nabigla ako sa nakita ko, may naka sandig kasing lalaki sa likod ng puno pag ikot ko. Mabuti't hindi ako nakagawa ng ingay upang magising sya. Tulog na tulog kasi ito.
Pinag masdan ko ang mukha niya.
Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik mata, ang ganda ng hugis ng labi at oh kay pula pa! Teka?! San nanggaling ang nilalang nato?!
Bahagya akong lumapit sa kanya upang masilayan ng malapitan ang gwapo nyang mukha.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Parang hindi ako makahinga!
naramdaman kong kumilos sya ng konte.
Nagising ko ba sya?! Patay!
Dumilat ang kanyang mapupungay na mata.
Para akong na istatwa. Anong gagawin ko?!
mga limang sigundo ata kaming nag titigan bago nya muling ipinikit ang kanyang mata. Doon na ako nag ka tsansang maka alis at tumakbo.
Habang tumatakbo ako palayo, ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Yung mga matang yun kasi parang pamilyar sakin. Pero imposible namang mangyari ron.
Huminto na ako sa kakatakbo ng nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. pakiramdamdam ko pulang pula na yung buong mukha ko. Ikaw ba naman makakita ng isang napakagwapong nilalang na natutulog sa ilalim ng punong manga hindi ka ba kikiligin?
"Makikita ko pa kaya sya dun ulit?"
Sana--
"HOY! CHANDA! PUMASOK KANA SA LOOB NG BAHAY! ANO PA YANG TINATAMBAY MO DYAN SA LABAS HA?!"
muntik na akong mapatalon sa gulat. Si kuya naman kasi eh, kung maka sigaw parang walang bukas!
"Opo kuya jun, papasok na!"
ITUTULOY..
BINABASA MO ANG
My Sleeping Handsome
RomanceMabuti pa ang matulog, gustong gusto nya eh, ako? Nga nga?!