Jeyrick inarez pov
"Arrghh~" nag unat ako ng aking katawan. Napasarap ata ang tulog ko dito ah. Namamasyal kasi ako dito sa lumang plaza ng sta.rosa dito kasi kami nakatira noong bata palang ako. Mga 5 years old ata ako nun? Ah ewan. Nag migrate kasi ang parents ko sa state kaya doon na talaga ako lumaki.
Sakto namang nakaramdam ako ng pagod sa kakalad, nag pasya akong mamahinga muna sa malaking punong manga. Di ko namalayan na naka tulog na pala ako doon. Sobrang tahimik kasi dito. Nakaka relax.
May bigla namang pumasok sa isip ko. Teka.. totoo kaya yun? Ah hindi. Panaginip lang yon. Naalimpungatan lang siguro ako kanina, sa panaginip ko kasi may babeng naka titig sa mukha ko. Pag gising ko wala naman. Haha! na sobrahan ata ako sa pag tulog.
Well hobby ko talagang matulog. Gustong gusto ko talagang matulog dahil sa pag tulog ko. Nakakasama ko sya.. sa panaginip ko.. nakakasama ko ang babaeng mahal ko.. doon nakapasaya namin..perpekto ang lahat..
"Sana makita kitang muli."
Bigla akong nalungkot kaya nakaramdam tuloy ako ng gutom.
Gusto kong kumain ng carrot cake. Ang hilig ko talaga sa carrot. Haha
Chandra Mae Abbas vov
Gabi na pero andito parin ako sa may bintana ng kwarto ko nakatulala lang sa langit. Up in down kasi yung bahay namin .
Andaming bituin.
Naalala ko naman yung lalaking nasa punong manga. Bigla namang mubilis ang tibok ng puso ko.
Oy puso ko! kumalma ka dyan!
Napangiti na lang ako. Ano kaya ang pangalan nya? Haha hays napaka ewan ko talaga!
Napatingin ako sa kalendaryo, sabado na pala. Pasukan na naman sa lunes. Medyo excited na kinakabahan ako kasi mag pi first year na ako sa kolehiyo. Nung nakaraang lunes lang kasi yung enrollment sa sta.rosa university eh, malapit lang samin. Sinamahan pa nga ako ng kuya ko. mahiyain kasi ako. Noong nasa high school pa nga ako. Halos wala akong kaibigan kasi ang tahitahimik ko tsaka puro aral lang ang inaatupag ko. Napaka boring ko talagang tao. Well ganyan na talaga ako eh.
Ulilang lubos na kami ng kuya ko. Namatay kasi yung mga magulang namin sa isang aksidente. Naiiyak talaga ako pag naalala ko sila mama at papa. May naiwan naman silang malaking pera para samin ni kuya. Yun yung ginagamit namin pangtutus sa pag aaral namin. Nag papart time job rin si kuya sa opisina ng tito ko. graduating na kasi si kuya sa kursong business management. May kompanya kasi ang tito ko.
Hays. Napakalungkot talaga. Pero kahit na ganon ang nangyari masaya parin ako kasi nandyan pa si kuya. Napaka bait ng kuya ko kahit mahilig manigaw yun! Haha tsaka kwela din yun minsan. Sumiseryuso lang yun minsan pag malungkot sya. Naiisip nya parin siguro sila mama at papa. Isang taon narin ang nakalipas pero masakit parin.
Nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako sa kama. Nag dasal muna ako tsaka nag pasyang matulog na.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
My Sleeping Handsome
RomanceMabuti pa ang matulog, gustong gusto nya eh, ako? Nga nga?!