Chapter 8: Telekinesis

4.9K 156 3
                                    






~*~







(Cashmere's POV)








Life is so unfair, yan ang paulit ulit sa isipan ko. Bat ba ganito kahirap mabuhay?

Lakad takbo lang ginagawa kong hakbang palayo sa pamamahay ng mga demonyo, 'di ko alintaya ang malakas at malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Niyayakap ako sa kalungkutan na nararamdam ko ngayon.

Ayoko nang mabuhay, sira na ang pangarap ko. Wala na nga akong mga magulang eh, kulang na lang gahasain ako para complete set na.

Gusto ko nang magpakamatay Pwede ba? Wala na naman akong gagawin dito, mabuti na siguro 'to.

May nadaanan akong tulay.
This is it. Sawa na akong mabuhay.

Tumungtong na ako. At huminga ng malalim saka tumingin sa baba, pero agad ding nagdalawang isip nang makita ito.

Wah! ANG TAAS NG TULAY NA 'TO, DIRETSO TIGOK NA NGA AKO NETO, DI NA AKO MAKAKAABOT SA HOSPITAL!
Huhuhu. Mamamatay akong birhen!

Ayoko na nga, magtitiis na lang akong mabuhay.

Aalis na sana ako nang mahulog ako sa di inaasahan. Shet!

"Aaahh!" Ang tangi kong naisigaw. Takte bat ang dulas dun?!

"Aaaaaaaaaaahhhhh!!!!"

"Waaaaaaaaaaaahh!!!!"

Masakit na lalamunan ko ha, pero bat wala pa ren? Tili lang Cashmere, yan na lang huli mong masasabi.

Akmang titili muli ako nang maisipan kong sumilip.

O__-   silip
-__O   kunti
O__O  huh?

Lunok. Kusot mata.

"Aaaah!!"

"Ang ingay?!" Boses lalaki.

"Sino yan? Tulong! Tuloooong!" Sigaw ko kung kanino habang hindi magkamayaw sa pagkembot.

"Ang ingay mo talaga!"

"Tulong kuya! Lumulutang ako oh. Look!" Pagturoturo ko pa kahit di ko alam kung nasaan sya.

Oo, lumulutang ako.

"Oh ano ngayon ang gustong mong gawin ko? Ibababa kita?" Tanong nya na medyo inis.

"Pwede ba? Kaya mo?" Panghahamon ko.

"Okay." Tangi lang nyang sinabi at naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na bumalot sa akin.

*splash!*

"Cough, cough!" Pag-ubo ko nang makalunok ng tubig ilog, yak! "Pwe! Ang lansa ng tubig! Grabe ka! Di ko sinabing tulungan mo akong makababa sa mismong place na yun!" Takte yan pero napatigil rin ako sa napagtanto. "Teka---paanong----."

"Paano ko nagawa? Simple lang, napapalutang ko lahat ng bagay." Kaswal na sabi nya at lumabas na sya sa kanyang pinagkukublihan.

"......."

"Tss. Tara may pupuntahan tayo Ms. Sungit ng Xander University." Pag-irap nya na ikinalaki ng mga mata ko.

Hindi ba sya yung?

"Ikaw yung walang hiyang transferee student?"

Ano ba to. Di pa nga ako nakakarecover dun sa palutang lutang thing tapos meron na namang supresa to?

"Oo, gurang."

Taena. Gurang?! Tinawag nya akong gurang!

Bago pa ako makahanda. Hinila na nya ako. Witwiw Holding Hands While Walking! No!

Tanga ka Cash! Maligno yan.

Bumitaw ako sa kamay nya at huminto. Okay ang drama.

"Paano mo ba nagawa yung kanina?"

"Tss. May power akong telekenesis."

Huh? Ano raw?

"Hay. Tara na nga!" Inis nya akong kinaladkad nang mapatigil ako.

Naglakad lang kami ng naglakad. Hanggang nakarating kami sa isang bunggalong bahay.

Teka, bunggalong bahay?!

Tumalikod ako at akmang tatakbo na sana kayalang bigla akong lumutang at humarap muli.

What the heck people?

Bat nga ba ako sumama sa kanya? Paki-explain author! Di ko kase alam eh.

Lumulutang lang ako papasok at sya naman, naglalakad din papasok.

Bwisit! Manyak din pala to! Huhuhu. Hahalayin na nya ako!

Oyts author, biro ko lang yung sinabi kong kulang na lang gahasain ako at complete set na. Biro lang yun, really.

Naknangteteng!

Nagbukas ng kusa ang gate .

"Mommy!" Ang tangi kong naitili.

Teka, wala pala akong nanay.

"Daddy!" Daddy na lang.

"Tss."

"Oo na wala rin ako nun! Epal masyado eh."

Okay ang korni nyo talaga.

Dumiretso sya sa loob, at ako? Lumulutang na nakasunod sa kanya.

Parang nasasanay na akong lumutang.

Pero kung kailan mahal mo na naman sya saka ka nya bibitawan. Anong connect? Tsk. Hinulog nya ako at walang sumalo ohash?

Ibagsak daw ba? Ang sakit sa pwetan ah. Teka, meron ba ako nun?

"Masakit ah!" Bulyaw ko.

"Tss. Andito na tayo."

Ano bang pangalan neto para naman di na ako sya ng sya?

Nakakatuyot na ng utak eh.

"Ah----." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may magsalita.

"Mr. Tamix!" Wew. Eng geleng neng beses ng matanda na maraming uban.

Wait? Mister? Tamix? Sya?Tamix. Hmm.

"It's Jayden Sir."

Bat ba ang galing ng pagbigkas nila sa bawat salitang binibitawan ng kanilang mga bibig?

Pero ah. Infairness ang cute ng name nya. TAMIX na Jayden. Huh? Wait mas prefer ko ang..

"Wuy!"

"Ay Tamix!" Oo mas prefer ko yan.

"Ehem. Kinakausap ka ni Sir Felipe." Pagtikhim nya bago inguso sa akin ang matanda.

"Huh? S-Sorry po." Paumanhin ko.

Nakatitig lang sa akin si Sir Felipe na animoy hinahalukat ang buo kong pagkatao. Then biglang dumilim na lang lahat.








~*~








Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking magandang ehem mukha.

"Umm." Ungol ko.

Napatingin ako sa paligid, maliwanag. Patay na aba ako?Ano bang nagyari kahapon?

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok. What?!

Pumasok ang isang gwapong binata na may kasamang isang matanda na lalaki. Kulay puti at ginto ang kapa nitong matandang lalaki at animo'y para syang anghel na papalapit sa akin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Cashmere?" Tanong nya sa akin.

Paano nya ako nakilala?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon