Chapter 94: Jennifer

2.7K 55 53
                                    






~*~







(Ice POV)








This can't be.

Hindi ito maaari. Iyon na lamang ang aking nasabi sa aking nakikita ngayon na lalaki. Matanda na sya ngunit alam kong sya pa rin si Patrick, ang time manipulator..pero bakit?

Bakit hindi si Rence? Si Matthew? Ako?

Time holder, time manipulator, time controller, time keeper.

Hindi. Kailangan kong mag-isip ng maayos. Kalma ka lang Ice, kalma lang.

Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon?! Oh shit.

"F-Frank?"

Napapikit na lamang ako ng ilang beses upang mawala ang kuryusidad na kumukulo sa loob ng tyan ko. Ayaw kong maghinala at lalong ayaw kong maniwala.

"Ice ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng maiinom?"

Pumunta ako sa panahong ito para sunduin si Cashmere mula kay Andrew, ngunit tama ba ito? Tama ba ang panahong napasukan ko? Tama ba ang papel na nakasaad?

"Ice?"

Hindi kaya itinakas noon ni Patrick si Cashmere gamit ang kanyang abilidad? Pero marami pa ring kulang..

"ICE!"

"P-Po?" Gulat kong saad na tila nagising sa isang bangungot.

Napairap naman si Cashmere at sinenyasan akong lumapit sa kanya na agad ko namang ginawa.

"Ang kako gusto mo ba ng maiinom?"

"Aray aray! Oh sh*t Cashmere! Bitaw--aww!"

Hawak-hawak ko ang tenga ko nang kanyang binitawan.

"Naririnig mo na ba ako?"

Nais ko sanang magdahilan pero masyadong masakit ang tenga ko para madagdagan pa, kaya hindi na lang. Huhu. Kasalanan bang may isipin lang? Tss.

Tango lamang ang aking isinagot na ikinatawa ni Patrick bago pumasok sa bahay.

"Natutuwa ako't may napabisita pa rito." Ani nito.

Napairap ako ng palihim. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil ang papel na iyon ay nagmula pa kay Andrew. Hindi maaaring magkamali ang kutob ko sa pagkakataong ito.

Hindi kaya may nakakaligtaan ako?










~*~













(Jayden's POV)










Hindi ko maiwasang mapailing nang makita si Carlos na hindi mapakali sa presensya ni Jessica, tinamaan ata ang loko.

"Sa tingin mo, masarap kaya mga pagkain dito?"

"Hindi ko alam." Napapangiti kong sagot kay Vanessa na ang mukha ay mukhang natatakam sa mga menu na nakalagay 'di malapit sa amin.

"Lahat na lang hindi mo alam. Pati ata mga nagkakagusto sa'yo hindi mo alam."

Tuluyan akong napatawa sa sinabi nya. Humugot daw ba?

"Nandito na tayo."

Napalingon ako sa pintuang nasa aming harapan. Kulay pink ito at kinilabutan sa hello kitty. Just wtf.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon