“O ano, bespren? Will you accept my heart?” Tinanong ko siya ng nakangiti habang pinakita yung heart sa harapan ng box.
Naglakad sina Forts and friends papunta sa gilid kasama nila Aljon at Kayesha. Ginaya nila si Forts at linagay yung papel sa harapan imbis sa likod. Nagchicheer na sila para sa’min pero ‘di pa nga ako sinasagot ni Mich, eh! Mga ulol talaga ‘tong sina paps! Focus lang ng isipan at mga mata ko ay si Mich, na ngayon ay ngumingiti mula tenga hanggang tenga. Lumapit siya sa’kin at hinalikan yung kaliwa kong pisngi. Medyo natulala ako pero pinilit kong bumalik sa senses ko.
Kinuha niya yung box at nginitian ulit ako.
“May pagkain ba dito sa loob ng puso mo?” Inalog-alog niya yung box ng konti.
“HAY NAKO, LIA MICHELLE!” Sigaw ko naman sa kanya.
“Sagutin mo na kasi, Mich!” Hirit ni Kim sa gilid. Kahit may gusto man siya kay Mich, wala na rin siyang magagawa kasi sa’kin lang siya!
“OO NGA! OO NA ‘YAN! OO NA ‘YAN!” Sumakay naman yung iba sa trip nitong intsik na ‘to.
Linapag niya yung “puso” ko sa baba ng dahan-dahan at yinakap ako ng mahigpit. Humiyaw naman ang lahat sa kilig at nagsisi-apiran na ang mga Tigers. Akala kasi nila siguro na dahil hinug lang ako ni Mich eh oo na ibig sabihin noon.
“Gusto mo talaga malaman kung anong sagot ko?” Bulong sa’kin ni Mich.
Hinigpitan ko yung kapit ko sa kanya at yinakap ko pang lalo.
“Siyempre naman! Ano na? Yes ba or super-dee-duper yes?” K. Ako na corny. Pero, in love, eh! Masisisi mo ba ako?
Linapit niya yung mukha niya sa’kin at mabilis na dinampi yung malambot niyang labi sa akin. Matapos noon ay hinawakan niya yung mukha mo at sabay siyang nag-nod.
“Oo. Opo. Super-dee-duper yes! Tinatanggap ko na ang puso mo, Kevin Manuel Ferrer!”
Oh, diba? Ang sarap talaga ‘pag nakamit mo na yung matamis na “Oo” ng taong matagal mo nang gustong makasama. Parang, feeling ko talaga na ako na yung pinakamaswerte na lalaki sa buong mundo kasi lahat talaga nasa kanya na. Lord, salamat, ha? Yinakap ko siyang muli at hinalikan yung noo niya.
“Thank you, bespren! ‘Di mo lang talaga alam kung gaanong katagal ko ‘tong hinintay!” Sabi ko sa kanya nang nakangiti ng malaki.
“Ako rin, bespren, eh! ‘Di mo alam kung gaanong katagal kitang hinintay!” Reply naman niya na parang medyong naiinis.
“Uyy, sorry na, diba?” ngumuso ako sa kanya.
“Ayieeeee!”
“Mabuhay ang bagong mag-jowa!”
“Dumadamoves si Ferrer, oh! Three points for Kevin Ferrer!”
“Good job, Kebs!”
Oo nga pala. Nandito pa pala ang mga mokong na ‘to. Hay, panira ng damoves ko. HAHAHA! Joke! Nagpapasalamat rin ako sa kanilang pagtulong. Kung wala sila, eh baka di ko pa mapasagot ‘tong si Mich ko!
“Guys, bigyan na natin ng privacy na mag-landian‘tong dalawang ‘to!” Sigaw ni Paulo. SALAMAT NG SOBRA, PAPS! PRAMIS, BABAYARAN KITA PARA DITO! ILILIBRE PA KITA NG PIZZA KAHIT NA SINABI MONG MAG-LANDIAN KAHIT HINDI NAMAN!
Nagsimulang magsialisan ang mga tao at walang hanggan akong nagpasalamat sa kanila pati na rin sa mga nanood. Ngayon, mag-isa na lang ulit kami ni Mich dito sa place namin sa Lovers’ Lane.
“ARAY!” Bigla na lang akong napasigaw.
Kinurot na pala ako si Mich sa may tagiliran ko.
“Hoy, Ferrer! Gutom na ‘ko!” Forever piggy ‘tong girlfriend ko!
BINABASA MO ANG
Puso (A Kevin Ferrer Oneshot)
RomanceAng puso ay nagbibigay ng buhay sa tao. Pero, paano kung ang babaeng tinitibok ng puso ni Kevin ang nakakapagbigay-buhay sa kanya? Ano? Pwede na bang ibigay ni Kevin ang puso niya kay Mich?