Ang Patpating Palaka

241 1 3
                                    

Isang araw may isang grupo ng mga Palaka at may isang malalim na balon. Sa araw na yun Bumuhos ang malakas na ulan at napuno ang balon ng tubig. Syempre naging swimming  pool na eto ng mga palaka, may nagfefreestyle,backstroke,breaststroke,at hindi mawawala ang butterfly. At dumating ang araw na natuyo ang tubig sa balon. naiwan sa loob ang mga palaka. Para makalabas sila sa balon, sinubukan nilang tumalon talon talon ng talon pero sumuko sila sa pag talon dahil wala namang nanyayari. 

At dumating ang araw na ipinanganak si Patpating Palaka. Si Patpating Palaka ay isang pilyong palaka,Makulit at matigas ang ulo.

Isang araw sinubukan ni Patpating Palaka na tumalon talon ng talon. At nakita sya ng kanyang Nanay.

"patpating palaka bakit mo ginagwa yan? alam mo ba na ang kanuno-nunoan natin ay sumubok na dyan pero hindi sila nagtagumpay. Dito na tayo tatanda at dito narin tayo mamamatay" wika ng Nanay

Pero hindi nakinig si patpating palaka.

Sa sumunod na araw nakita ng mga kaibigan ni Patpating Palaka sya na tumatalon talon na naman pa akyat sa taas ng balon. Pinagtatawanan nila eto at pinagsabihang baliw.

Hindi parin nakinig si Patpating Palaka, at nagpatuloy nalang eto sa pagtalon ng talon,talon ng talon araw-araw. Sa Araw-araw na pagtatalon ni Patpating Palaka lumalakas ang mga muscle nya sa mga paa neto at tumataas ang kanyang pagtalon. 

Hanggan dumating ang araw na inaasam ni Patpating Palaka. Naakyat nya ang taas ng balon, nang makarating sa taas lumingon sya sa baba. Nakita nya na napaka dilim at nakakatakot.

Nakita sya ng kanyang mga kaibigan na nasa taas na ng balon. "Kaibigang Patpating Palaka bumalik ka dito at tulungan mo kami." Wika ng kanyang mga kaibigan.

Pero hindi eto pinansin ni Patpating Palaka. 

Noong nasa taas na ay nakita ni Paatpating Palaka kung ano kaganda ang kalikasan at nakita nya rin dito ang kanyang mga paboritong pagkain. Ang mga lamok.

Sa araw na yun, may isang Scientist na nakapulot kay Patpating Palaka. Nagtaka eto kasi sa dami ng mga palaka sa loob ng balon ay may nag-iisang Palaka sa itaas. Dinala nya eto sa kanyang laboratoryo. Sinubukan na pisilin ng Scientist ang balat ni Patpating Palaka at hindi eto gumalaw. Sinubukan naman ng Scientist na lagyan ng Malalaking Speaker malapit sa tenga ni Patpating Palaka at pinatunog sa pinakamalakas na volume. Pero hindi parin ito gumalaw.Pero noong linagyan ng ilaw sa tapat ng mata ni Patpating Palaka doon palang sya nagsimulang Gumalaw at tumalon.

Doon nalaman ng Scientist na si Patpating Palaka ay Manhid na Bingi pa. Pero nakakakita

 at dito nagtatapos ang kwento ni Patpating Palaka : )

-> dapat pala wag agad-agad sumuko. wag mung pansinin ang mga tao na humaharang sa mga hangarin mo.kasi hindi naman sila ang maapektuhan kung ano man ang mangyayari sa sarili mo.Dapat may VISSION ka upang makita mo ang Bukas mo. dapat pala Positive kalang palagi. Don't Stop Dreaming :) tiwala lang sa sarili na kayangkaya mo ang lahat ng pagsubok sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InspirasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon