Zeke POV
Its been 3 years simula nung huli ko syang makita. And she's now in US with her family. And nabalitaan ko din na may boyfriend na sya. I'm happy for her.
I never meant to break her heart Im just confuse about my feelings that time.
I know kung gaano ko sya nasaktan. I know she loved me so much pero ayoko lang na mas masaktan pa sya.
Alyanna came back, she's my first love and my feelings are coming back too, so I choose to breakup with Cass
Rebound lang para sakin si Cass.
Walang alam si Cass about sa first love ko at ayokong malaman pa nya dahil alam kong mas masasaktan sya.
Nagpakasaya ako kasama si Cass noon para kahit papano makalimutan ko si Alyanna, napamahal na din naman ako kay Cass, pero nung araw na nabalitaan ko na bumalik na si Alyanna sa Pilipinas, bigla akong naguluhan.
Natakot ako na biglang malaman ni Alyanna na may girlfriend ako, dahil nangako ako sakanya noon na sya lang ang babaeng mamahalin ko, na sya lang ang tatawag sakin ng Zeke, na sya lang ang liligawan ko, sya lang wala ng iba pa
Baka kapag nalaman nya yon, umalis nanaman sya at iwanan nanaman ako, diko na kayang malayo sya sakin dahil sobrang sakit.
Naisip ko noon si Cass, at kailangan ko ng makipaghiwalay sakanya.
Alam ko napaka gago ko dahil ginamit ko pa si Cass. Pero ng malaman kong umalis sya, sobrang nasaktan ako.
Dahil si Cass sya pala talaga ang mahal ko at hindi si Alyanna. Ang gulo ko! Amp!
Ang buong akala ko, at ang alam ko si Alyanna ang mahal ko, hindi pala, matagal kona palang hindi mahal si Alyanna.
Sana mapatawad pa ako ni Cass .. I'm sorry Cassandra.
"Ui babe!" Natauhan ako ng tawagin ako ni Alyanna. Yes she's my girlfriend. Alam ko kagaguhan nanaman ang naiisip ko. Kung noon nakasakit nako, hindi kona gagawin ngayon. Mamahalin ko nalang si Alyanna tulad noong panahong hindi ko pa nakikilala si Cass, pero diko magawang mahalin ulit si Alyanna e. Hindi kasi natuturuan ang puso
"Yes?"
"Kanina pa kita kinakausap e! You're not listening to me again! I need to go" what!? Kanina pa daw ako kinakausap wala naman syang sinasabi e.
"Ihahatid na kita"
"You sure? Baka mabangga pa tayo sa dami ng iniisip mo" ang Oa ng girlfriend ko.
"Mababangga? Bakit tayo mababangga? Ihahatid lang kita sa gate. Mag taxi ka nalang" kita ko yung gulat sa mata nya and she's about to cry. I hate treating her like this. But im sorry hindi ko na sya mahal. Naaawa nalang ako sakanya. Oo, awa nalang lahat.
The last time na makipaghiwalay ako sakanya, gusto nyang magpakamatay, at di kakayanin ng konsensya ko na ako ang dahilan non.
"Uhm.... o-key" nauna na akong naglakad, at sumunod naman sya. Nang makarating kami sa gate she faced me, nakikita ko sa mata nya kung gaano sya nasasaktan.
"Why you're doing this to me? Why you can't love me again? Yes it's my fault iniwan kita noon, but I have no choice. Ipinaglaban naman kita e. Pero ano bang laban ko kay mom and dad? Masyado pa tayong bata noon." Mahina lang pagkakasabi nya pero ramdam ko lahat ng sakit. Kahit ganito ako, ayoko pa rin syang nakikitang umiiyak, naaalala ko si Cass sakanya when she's crying.
"Alyanna umuwi kana!" ipapahatid ko nalang sya sa driver namin baka mapahamak pa sya kapag nag taxi.
"No. Zeke bakit? Bakit kung kelan kaya kona, kung kelan sigurado nako, kung kelan ikaw yung taong huling mamahalin ko, bakit ngayon kapa sumusuko? Bakit ngayon mo pako ginaganito?" I hug her. Alam ko ito lang magpapagaan ng nararamdaman nya.
"I'm sorry Alyanna... I'm sorry for doing this" ng maghiwalay kami sa pagkayakap agad kong tinawag ang driver namin para ipahatid si Alyanna sakanila.
----
Alyanna POV
I'm Alyanna Zuzzane Ferrer, yes ako ang girlfriend ni Ezekiel Euflain. But he treated me as nothing. Kaya lang ako niligawan ulit ni zeke kasi naawa lang sya sakin. Pero wala nakong pakielam kung awa na lang ang lahat ng to.
Ako lang ang nagiisang babae na tumatawag sakanya ng zeke. At ayaw nya ring may ibang tumatawag ng zeke sakanya bukod sakin. Ganon nya ko ka mahal, pati pangalan ipagdadamot nya pa sa iba. Ganyan sya noon. Pero ngayon? Hindi ko na alam.
Akala ko kapag umuwi nako ng Pilipinas ako parin yung mahal ni Zeke. Sobrang nasasaktan ako sa araw araw na pinaparamdam nya sakin na wala nalang ako sakanya.
Di tulad noon, he's making efforts para lang mapasaya ako. Kinausap nya pa nga parents ko para di nako matuloy sa ibang bansa para mag aral. Pero wala din syang nagawa sa desisyon ng parents ko.
Nangako sya sakin noon na ako lang, ako lang ang mamahalin nya. Ako lang ang taong para sakanya. Ako lang. Pero bakit ganito? Ako nalang ata ang nagmamahal sakanya, ako nalang ata ang lumalaban.
Masakit isipin na yung taong mahal na mahal ko, kahit ang lapit lapit nya lang sakin parang ang layo naman nya. Ang layo nyang abutin.
How stupid of me to think I was the only flower in your garden, Zeke? Hindi ko man lang naisip na meron pang ibang tao na magpapasaya sayo, tulad ng ginagawa ko dati. Sino ba Zeke? Bakit wala silang nababanggit sakin.
Pero di ako susuko, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sakanya. Sakin lang si Zeke. At ang lahat ng umagaw, kakalabanin ko.
SAKIN LANG SI ZEKE. SAKIN LANG SYA.
Author's Note:
Push natin to. Hahahaha.
Effort yan no. Grabiii
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
RandomI couldn't admit I was hurt so I tried to focus on my anger. This pain that I have, this pain I'm trying to escape, this pain that changed everything about me. All I want now is to make a revenge, a revenge you will never forget for the rest of your...