Kakayanin
Pinapasok ako ni Manang Fe sa kanilang bahay. May isang hagdan doon para maakyat sa itaas na mismong bahay nila. Ang sabi ni Manang Fe ay pinapaupahan daw niya ang baba sa mga kapitbahay na gustong magtayo ng karenderya. At first, nagtatanong ako kung ano ang karenderya at kainan daw pala iyon.
Simple lang ang kanilang bahay. May mga halaman na nakapalibot sa gilid ng pinto. Pagpasok ay bubungad sa iyo ang isang litrato. Tama lamang ang laki ng sala. May isang mahabang sofa at dalawang pang isahan lamang. Sa ibabaw ng lamesa ay isa na namang halaman.
May bookshelf sa gilid at may dalawang pinto na siguro'y kwarto iyon. Isang cabinet ang nagpapagitan sa kusina at sala. Maayos at malinis ang kanilang sala at tama lamang ang hapag nila. It's very unusual to the house I am used to lived in. But I have no choice.
"Ipapakilala ko sa iyo ang anak ko. Nasa loob siya ng kwarto..." Ngisi ni Manang.
Kinatok niya ang pangalawang pintuan at nang buksan ay bumungad sa akin ang dalagang siguro'y kasing edad ko lamang. She's on a messy bun and wearing a spaghetti strap sando. Her eyes immediately drifted to me.
"Aliyah, ito si Liz... Iyong tinutukoy ko sa iyong anak nila Don Miguel..." Pakilala sa akin ni Manang.
She was staring at me. Nailang kaagad ako at hindi ko alam kung bakit nakatitig siya sa akin. Ngumiti na lamang ako. Ngumiti rin siya and I felt comfortable already.
"Ikaw pala iyon! Hindi ka lang maganda sa picture, pati pala sa personal!" Ngumiti siya.
Well, she is actually so pretty. With that simple bun, her features became bolder. She has this cute nose, pinkish lips, straight hair and light eyes. With the addition of her fair skin, she already looked like an angel.
"Nice meeting you..." I said.
"Wow! May accent!" tumawa siya.
Tinampal siya ni Manang at agad na humalakhak din. Ibinaba ko ang dala kong bag sa isang upuan. Bumaling muli ako sa kanila at pareho silang nakangiti sa akin.
"Ako nga pala si Aliyah..." Naglahad siya ng kamay.
Nagulat ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Because I am always kept on our house, I never get to have friends. Ang naging kaibigan ko lamang ay ang mga anak ng kumare ni mommy ngunit bihira silang pumunta sa bahay. My main life is only watching the people in the headquarters do their training.
"I am... Liz..." napalunok ako.
Ngumiti siya at tumango.
"Naghanda ka ba ng makakain, Aliyah? Tanghali na at siguradong gutom na si Liz..." Ani Manang.
"Opo, Ma... Mainit pa ang ulam kaya kumain na agad tayo," aniya.
Nilingon niya ako at iginiya sa kainan. Agad naman akong sumunod at naupo sa harapan ni Aliyah, katabi ni Manang.
I am bit nervous and I don't know why. I wonder if I could do this? I wonder if I can handle these big changes? I feel so strange right now. I feel like I lost myself. I feel like the real me was left in La Corona. I feel so empty.
Nilagyan ako ni Manang ng kanin. Hindi ko alam ang ulam na niluto ni Aliyah dahil hindi naman ako pamilyar sa mag lutong Pinoy. Ngumiti ako kay Manang nang matapos niya akong lagyan. Kinuha niya ang ulam at nilagyan din ako.
"Adobo ang tawag dito. Masarap 'yan lalo na't luto ni Aliyah. Alam kong hindi ka sanay kumain ng ganyan pero iyan lang ang kaya namin..." ani Manang.
"It's okay, Manang. I can eat this food..." I assured her.
Ngumiti si Aliyah at nagpatuloy sa pagkain. Sumubo ako ng isnag beses upang tikman ang ulam at hindi naman ako napangitan. It tastes like chicken and I am fine with it.
BINABASA MO ANG
Love Against Bullets (WAB Series #3)
Любовные романыEscaping from the attack in La Corona, Elizabeth Green was relocated to the Philippines where she met Louis Paulsen, her knight in shining armor or more likely... her biggest downfall. Is love really the only key to unlock the secrets? Is love real...