Truth
Umtras ako habang nanghihina ang aking tuhod. Sound of the guns, pictures of what happened earlier made me shiver again. Kung narinig ko ng lamang ang mga nangyari kanina ay na-trauma na ako, paano pa kaya kung nakita ko katulad ni Michael?
Lumapit sa akin ang matanda at agad akong binigyan ng sarong. Tinitigan ko lamang iyon. Ngumisi siya at iniabot parin sa akin iyon.
"Ipandong mo sa katawan mo para hindi ka lamagin..." ngumiti siya.
I guess she's above 50s already. Her hair is a mixture of white and black and she's on a comfortable daster.
"Maupo ka muna... Gusto mo ba ng kape? Anong kailangan mo?" Tanong niya.
"Kape nalang po, salamat..." ngumiti rin ako.
Nanginginig ang tuhod ko nang sumunod sa kanya. Pinaoupo niya sa isang malaking upuan sa mahabang lamesa dito sa napakalaking kusina. Nagtungo siya sa kung saan at pagbalik niya ay may dala na siyang kape. She looked worried of me as she gave me the hot coffee.
Umupo siya sa harapan ko at pumungay ang mga mata habang awang awa na nakatingin sa akin. Humigop ako sa aking kape.
"Pwede mo ba akong kwentuhan sa nangyari ngayon sa La Corona?" Nag-aalinlangan niyang tanong. "Pero kung hindi ka pa handa ay ayos lamang sa akin..."
Suminghap ako, "We were attacked by the Almonds. My dad and his men were having their training when they came..."
Kinagat ko ang labi ko. My eyes are warning for tears again. Nag-aalala na ako ngayon para sa pamilya ko. I hope they are fine. Mas gugustuhin kong sugatan nalang sila kaysa iba ang mangyari ngunit kung hindi naman, sana ay walang mangyaring masama sa kanila.
"Almonds? Hindi parin ba natatapos ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng papa mo at nila?" Tanong niya.
"It's not because of the business anymore, I am so sure. It's something personal already..." Mariin kong sinabi.
Sumimsim muli ako sa aking kape at sumulyap sa kanya na makahulugang nakatingin sa akin.
"Bakit ikaw lang ang nailikas? Nasaan ang kapatid mo? Ang mama mo? Si Miguel?"
Napaluha ako nang marinig ang mga pangalan nila. There was something in me that made my heart pound into pieces. I can't contain what I am feeling right now anymore. I feel so damn down and couldn't get higher anymore.
"Nagpa-iwan po si mommy. She wanted to make sure dad and Michael are safe." Napahikbi ako.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Tinignan ko siya at pumungay lamang ang nag-aalala niyang mga mata.
"Labag ba sa loob mo ang iwan sila?"
"Of course..." Tumulo muli ang luha ko.
"May tiwala ako sa tauhan ng daddy mo. Pati na rin kay Miguel... Pero kung lumalaban sila doon, dapat ganoon rin tayo dito." aniya.
"Are you sure we're safe in this mansion?"
Kung tutuusin, there is a big possibility na mahanap kami dito. We should be in a hidden place. I gasped at the thought. All my life, they used to hide me in our big mansion in La Corona. At ngayon ba naman ay magtatago parin ako. When will I have the freedom?
BINABASA MO ANG
Love Against Bullets (WAB Series #3)
RomanceEscaping from the attack in La Corona, Elizabeth Green was relocated to the Philippines where she met Louis Paulsen, her knight in shining armor or more likely... her biggest downfall. Is love really the only key to unlock the secrets? Is love real...