The Guy Who Named Lewi Javier [1]

76 3 0
                                    

"T*ngina!" halos napatigil ako sa paglalakad nang mabasa ko na sinaksak si Lewi, isang fictional character sa binabasa kong storya na The Guy Who Named Lewi Javier sa wattpad. "Parang ayoko na basahin! Masasaktan lang ako! Feeling ko ako rin 'yung nasaksak, eh!" kinausap ko na lang 'yung sarili ko habang hawak-hawak ang phone ko.

Bakit kasi sa ganitong oras pa naisipan nila Mama't papa na pabilhin ako sa Mini Stop ng Selecta 3-in-1. Ugh. Nakakatakot pa naman dito sa kalsada na dinadaanan ko. Samahan mo pa ng pundido na mga poste.

Mamaya rin ay di ko rin napigilan basahin uli ang storya dahil kuryosidad ang pumasok sa isip ko sa susunod na mangyayari, kasabay nito ang paglalakad ko papuntang Mini Stop.

"Hindi alam ni Lewi ang gagawin niya matapos siya saksakin ng isang naka-itim at nakamaskara na tao, maski siya ay hindi rin niya alam kung sino 'to at kung bakit siya sinaksak ng unknown person na ito. Tila walang tumutulong sakanya kahit ano pang sigaw nya ay walang makakarinig dahil ni-isang tao ay wala siyang naaninag sa loob ng parking lot kung saan siya nakahilata na puno ng dugo," binasa ko ang kasunod na nangyari kay Lewi. Parang may kurot sa dibdib ko, parang ako rin yung nasaksak. Alam kong ang oa, dahil isang fictional character lang naman siya at 'di siya nag e-exist dito sa totoong buhay. Naawa na ako sakanya, parang gusto ko tuloy pumasok sa storya na ito at tulungan siya. Kahit papano naman may alam ako sa pag fi-first aid dahil isa akong Nursing student sa Inhun Arts School.

'Di ko namalayan na katapat ko na pala ang mismong Mini Stop. Nalibang kasi ako sa pagbabasa ng storya na ito. Nilagay ko muna sa loob ng aking bulsa ang aking cellphone at pumunta sa ice cream section upang hanapin ang Selecta 3-in-1. Sakto isa na lang ang natitirang stock nila dito.

Pumunta na ako pagkatapos sa cashier at napansin ko na The Guy Who Named Lewi Javier din ang binabasa ni ate. Nakita ko kasi yung cover pic. Bigla tuloy akong napangiti dahil nakahanap rin ako na kapwa kong addict sa storya na 'yun.

"Uy, ate. Crush mo rin si Lewi?" pagtatanong ko kay ate pagkalapag ko sa counter ng ice cream.

"Oo, gurl! Grabe nagbabasa ka rin 'nun? Ang gwapo gwapo kasi ni Lewi tapos ang astig niya-299 pesos pala yung ice cream, muntik ko na makalimutan!" Narinig ko 'yung kilig at the same time tawa ni ate girl habang sinasabi niya 'yun, habang ako kinukuha ko na 'yung pera sa wallet para mabayaran.

"Thank you po!" iniabot na sakin ni ate yung ice cream ko, sakto din kasi yung binigay kong pera. "San part na po pala kayo?"

"Chapter 2 palang ako! Iyong nasaksak pa lang si Lewi sa parking lot! Mygosh gustong-gusto ko na nga pumasok sa storya na 'yun para ako na pumatay dun sa sumaksak kay Lewi at para mapakasalan ko na rin siya!"

"Hala, ate! Pareho lang pala tayo!" sabi ko sakanya. Nag-apir pa kami ng wala sa oras. Ang feeling close ko talaga. "Halos maibato ko nga po ng wala sa oras 'yung phone ko kanina habang binabasa 'yung scene na 'yun! Sobrang sakit.. feeling ko nasaksak na rin ako, eh!"

"Gusto ko na tuloy patayin 'yung author na gumawa nito! Osya, gabi na, madilim pa naman sa labas umuwi ka na sainyo. Tama na ang fan girling kay Lewi," nang ma-realize ko kung anong oras na nga, nagpaalam bigla ako kay ate gurl. Jusko, baka nainip na sila sa kakahintay.

Pero paglabas ko, iniisip ko pa rin yung storya. Kahit chapter 2 palang 'yung storya na 'yun sobrang catchy kasi ng mga actions scenes ni Lewi kaya di ako naboring, 'yung tipong aabangan mo talaga 'yung bawat mangyayari. Saka di siya katulad ng ibang story na nainlove siya kung kanino, dito kasi feeling ko walang love story. Pure actions at naka center lang talaga sa buhay niya-buhay ng isang Lewi Javier. Or baka ipapakilala pa sa susunod na kabanata 'yung leading girl niya? Nakaka-curious din kasi kung sino yung sumaksak sakanya all of a sudden. Let's say na sobrang jerk nga nito ni Lewi pero wala pang nagtatangkang pumatay sakanya..dahil takot sila kay Lewi. Ang nakakapagtaka rin bigla na lang lumabas out of nowhere 'yung sumaksak kay Lewi. Saan nanggaling 'yun?

The Guy Who Named Lewi JavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon