Chapter 1

23 0 0
                                    

Sandy's POV

"Ouch!!!!!" Malakas na sigaw ko

May taong nakabangga sakin ng hindi sinasadya.

"I'm sorry miss. Hindi ko sinasadya na mabangga ka." He said at inilapag nya ang kamay niya para matulungan ako.

Napaangat ang ulo ko at tumambad sa akin ang isang napakagwapong nilalang.

"Hindi okay lang, I can manage myself. Kasalanan ko din kung bakit ako natumba." Tumayo akong mag-isa. Totoo naman. Hindi ko kasi tinitignan ang dinadaanan ko dahil busy ako sa paghahanap ng classroom ko.

First day kasi ngayon, nagtataka siguro kayo kung bakit pa ako lumipat eh graduating na ako ng high school. Lumaki kasi ako sa probinsiya sa piling ng lola ko. Eh dahil namatay ang lola ko last 2 months ago, napagpasyahan ni mama na isama na ako sa Manila tutal daw malapit na akong magcollege at para ma experience ko daw sa Manila. Sa una ayaw ko dahil simula bata ako sa probinsiya na ako. Sobrang nalungkot ako ng mamatay si Lola. Siya ang tumayong tatay at nanay ko. Pero dahil sa katandaan ay kinuha na siya ni Lord. And now I'm here in Bright Star University, isa sa mga kilalang school sa lungsod ng Manila.

"Hmm. Can I ask? Saan ang room 205 dito?" Nahihiyang sabi ko.

"Dumireto ka dito atsaka ka kumaliwa." Sabi niya ng nakangiti habang tinuturo ang daan. Shet ang gwapo niyang ngumiti. Hayyyyy.

"Ahhh. Salamat pala." Sabi ko.

"No problem. Ako nga pala si Clark Villa Rama at ikaw naman?"

"Ako naman si Sandra Samonte" Sabi ko

"Nice meeting you Sandra." Saka inilapag ang kamay

"Nice meeting you too Clark" Sabi ko at nakipagshake hands sa kanya. Gwapo nga pero mukhang tactics lang niya to para makakuha ng mga babae. Sa gwapo ba naman niya.

"Sige baka malate nako. Bye and Thanks." Sabay bitaw sa kamay. At tumakbo. Hindi na ko tumingin patalikod. Mukhang ayaw niya pang bitawan ang kamay ko kanina.

As usual wala pa deng ginagawa kapag first day. Kakaring lang ng bell. Im still a loner. Wala akong kakilala sa bagong school ko. Ang hirap pala kapag mag isa lang. Wala kang nakakausap. Hayyy. Namimiss ko na tuloy ang bestfriend ko sa probinsiya. Si Vivienne Mae.

"Hi you're Sandra right?" Biglang may nagsalita sa tabi ko. Naputol tuloy ang pagmumuni ko.

"Oo." Maikling sabi ko. Hindi naman sa nagtataray ako. Pero shempre nahihiya pa ako.

"Hi Sandra! I'm Sarah Jane Floriano! But you can call me Sai for short." Pagpapakilala niya.

"Tutal wala ka pa naman kasama ako na muna ang unang friend mo dito sa school. Tara samahan mo ako sa canteen." Pagyayaya niya sa akin.

"She's so pretty!"

"No she's a goddess!"

"Kung ako ang magiging boyfriend niyan, ako na ang pinaka masayang lalaki sa mundo."

"Dude, ang sexy niya."

Yan ang mga naarinig ko ng makarating kami sa canteen. Mukhang popular si Sai sa school. Hindi na ako magtataka. Sa ganda ba naman niya. Ang ganda ng mukha. Ang kinis ng balat. Ang tangkad niya. At higit sa lahat mabait pa. Akalain mo siya pa ang lumapit sa akin para magpakilala. Pero mukhang deadma lang siya sa mga naririnig niya. Siguro sanay na siyang makarinig ng ganyang papuri.

"Anong gusto mo Sandra?" Tanong niya sa akin ng makarating kami sa pila.

"Hmm. Isang sandwich na lang and isang apple shake."

"Okay. Miss dalawang sandwich and apple shake."

"Eto pala bayad ko Sai." Sabi ko habang inaanot ang pera.

"No! It's my treat. Ako naman ang nagyayang kumain eh." Shet nakakahiya naman.

"Hindi, okay lang ito na lang." Pagpipilit ko.

"I insist. Magagalit ako kapag kinulit mo pa ako."

Ang dami namin napagkwentuhan ni Sai. Mas kaclose niya pala ang mga lalaki kaysa sa babae. Nagtataka kasi siya kung bakit walang nakikipag kaibigan na babae sa kanya. Mukhang takot makipag kaibigan ang iba. Kung titignan mo kasi si sai mukhang mataray at maarte siya. At nalaman ko na isa ang pamilya niya sa may ari ng BSU. Naikwento ko din sa kanya ang buhay ko. Kung bakit ako lumipat sa BSU kahit na graduating na ako.

"Sandra, you know what i like you na. Pwede bang bestfriend na tayo?" Ay Fc si ate. Bff kaagad hindi ba pwedeng friend ps muna. Joke. -.-

"Oo naman no! Tutal nakakaenjoy ka naman kasama at nakakatuwa ka Sai!" Masayang sabi ko.

"Yehey! Dahil bestfriend na kita tulungan mo akong mag mall mamayang dismissal!" Malapit lang kasi ang mall sa BSU.

Maagang nagdimiss ang mga prof dahil wala pa naman discussion. Puro introduction lang bawat isa. Pagkaring na pagkaring ng bell kaagad akong hinila ni Sai at pumunta sa parking lot. Wow! Sosyal talaga tong babaeng to.

"Sandra. Isukat mo din to oh. "

"Hinay hinay lang sa pagpili Sai. Nakakapagod mag sukat." Jusko. Kahit sigurong sampong dress ay pinasukat niya sa akin. May party daw na magaganap sa Saturday. Welcome party para sa mga transferee students.

"Hahahaha. Sige na ohhhh! Please?"

"Hay nako! Oo na! Oo na!" Nako kung di ka lang mabait hinampas ko na tong dress sayo. Joke ulet. K.

"Yes!!! Dalian mo!!"

"Bagay ba sa aken Sai? Hindi ba masyadong maiksi?" Tanong ko kay Sai habang pinapakita ang suot kong damit. Isang tube na dark red kasi ang taas at color black naman ang palda. Yung paldang mahaba sa likod tas maikli sa harap.

"Wow Sandra!! You're so pretty!! Bagay sayo!! Sakto lang no!! And you have a nice legs naman ah! Biro ni Sai

Kaagad niyang binayaran ang mga damit na sinukat niya at yung aken. Nung nasa counter na siya pinasama na niya yung aken. Binabayaran ko sa kanya pero hindi niya tinatanggap. As usual she insist daw. Pero sapinabi ko na mag memeryenda kami sa mall at ako ang magbabayad. Syempre siya na ang nagtreat ng recess ko tas siya pa ang nagbayad ng damit ko. At mabuti naman pumayag siya.

"Hintayin na lang kita dito sa labas ng CR Sai." Sabi ko sa kanya. Masyado kasing maraming tao sa cr eh.

"Sige sige. Sure ka ah."

Habang naghihintay ako sa labas ng cr biglang may lalaking umakbay sa akin.

"What the hell?!!" Mahinang sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Pero mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa akin.

"Andito ka lang pala babe! Kanina pa kita hinahanap." Sabi niya sabay kindat sa akin!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote!! Comment!! And be a fan!! Lablab 💋

Thank you sa lahat ng nagbasa sa chapter one.

Twitter and Insta: @clanglapid

Tara let's be friends. Add me on facebook. Clang Lapid 💋💋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined To Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon