Chapter 4

1 0 0
                                    

Mae's Pov

Lumipas ang ilang araw at ito na nga ang araw kung saan magkikita kami kuno ng lalakeng ano nga yun? Ewan basta ngayun na yung araw na yun.

Maaga pa lamang ay ang dami na ng tao sa baba lahat sila ay may kanya kanya nang ginagawa,may naglilinis, naglalagay ng mga dekorasyon,nag-aayos ng mga mesa at may mga nagluluto. Pero ang hindi ko alam ano ang meron ngayun? Nakalimutan ko talaga!! Arrgghh nakakainis.

Tok!tok!

"Pasok!" Sabi ko,may mga pumasok namang mga babae na may dala dalang mga damit,sapatos at mga bagay na nilalagay sa mukha.

"Ahhh ano pong kaylangan nyo?" Magalang kong sagot.

"Kaylangan na po namin kayong ayusan Miss Mae para po sa party mamaya"-sabi naman ng isa.

"Ahhh s-sige".

Sinimulan na nga nila akong ayusan tutal tapos naman akong maligo ay ang dami nilang ginawa... Una ay ang paglalagay ng mga kulay sa aking mukha ewan ko ba meron pa nga silang malagkit na nilagay dun... Tapis may nilagay din silang kulay pulang ewan sa labi ko...

Pagkatapos naman akong lagyan ng mga kung anu-anu sa mukha ay biglang nagsalita ang isang lalakeng kasama nila.

"Ayyy! Madam ang bongga,talbog ang beauty ko!" Ehhh? Diba lalake siya? Bat ganyan siya magsalita?
"Di ba lalake ka? Bat ganyan ka magsalita?"inosente kong tanong.

"Ayyy madam! Mali kayo dyan mashisteretshh po tayo! Kayo po talaga nakakahurts kayo na feelings!" Patampo niyang sabi sakin... "Eh ano kaba talaga? Bat ganyan ka magsalita ang arte?"
"Sabi ko sayo madam! Hindi ako kalahi in adan kalahi ako eba!hayyy parang tanga naman tong babaeng itetch" pabulong nasabi niya sa huling salitang sinabi niya kaya di ko na narinig.
"Ahhh ok!"

Pagkatapos nun ay sinuotan na nila ako ng aking damit. Maganda ang pagkakagawa sa damit na iyon.. Ang daming mga maliliit na bato ang kumukislap sa bandang leeg ko kulay puti iyon at bandang siko lang ang haba sa itaas at hanggang tuhod naman ang sa ibaba...at pagkatapos nun ay pinasuot nila na sa akin ang aking sapatos kulay puti rin ito na may mga paru parung puti na kumikislap sa may bandang gilid.

"Miss mae! Grabe ang ganda kahit simple lang ang damit nyo! Grabe mukha kayong dyosa!"
Sabi ng isang babae roon.

"Ahh? Heheh salamat!" Nahihiya kong saad.

"Sige po miss mae mauuna na po kame sa ibaba ipapatawag ka na lang po kung maayos na ang lahat!"

"Oh sige po" matamis na ngiti ang ibinigay ko sakanila bago nila nilisan ang aking silid.

Ito na ang tamang oras kaylangan ko ng kumilos.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang pintuan at binuksan iyon.. Tumingin ako sa kaliwa at kanan.Walang tao! Naglakad na ako papuntang hagdanan sakto namang may ginagawa ang mga tao roon kaya mabilis akong nakapaglakad palabas ng bahay.

**********
Sa kabilang banda naman."Maayos na ba ang lahat?" Tanong ng isang lalake sakanyang kausap sa telepono.
"Opo,maayos na po ang lahat, kayo na lang po ang hinihintay." Sabi ng lalake sa kabilang linya.

"Si Mae ba? Ayos na? Nandyan na ba siya?"

"Nasa kwarto pa po siya youngmaster ipapatawag na lang po namin kung malapit ka nang makarating."

"Oh sige"
Yun lamang ang sinagot niya sa lalakeng nasa kabilang linya.

Pagkatapos niyang masuot ang kanyang suit ay pumanhik na siya sa ibaba at sumakay sakanyang mamahaling sports car.

Nang papalapit na siya sa mansyon kung saan magaganap ang araw na makikilala na siya ng babaeng mahal niya ay tumawag sakanya ang kanyang butler.

"Y-y-young master n-nawawala po si m-miss m-mae!"nanginginig na saad ng kanyang butler.

"Ano!!???"pasigaw niyang sabi"hanapin nyo siya! Paghindi niyo nahanap pagdating mapapatay ko kayong lahat!" Banta niya sakanyang butler" naiintindihan mo ba?!" Pabulyaw niyang tanong.

"O-opo young master" takot na sambit naman ng kanyang butler.

Pagkatapos nun ay pinatay niya na ang kanyang telepono.

Habang tinatahak niya ang daan papuntang mansyon na iyon ay may nakita siyang isang taong naglalakad... Babalewalain niya na sana ngunit iba ang tingin niya sa babae napakaganda nito sa simpleng damit na iyon...

"M-mae!"pabulong niyang sabi.

********
Sorry for the typos :)

Xoxo fat :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOCKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon