Chapter 1

2 2 0
                                    

Sa probinsya ng Sanggali may isang mansyong nakatayo sa isang kagubatan kung saan may isang babaeng nakakulong.
Hindi sya maaaring lumabas ng bahay at ni minsan hindi siya pinayagang lumabas.

Siya'y dalawampu't dalawang taong gulang na.Siya'y nakakulong sa bahay na iyon simula pa nung ipinanganak siya.

Ngunit sa pananatili niya sa lugar na iyon ay tinuturuan naman siya. Pero hindi ganoon kadami ang kanyang mga nalalaman.

Siya'y ikinulong ng isang misteryosong lalake na kahit siya'y hindi niya pa nakikita.
Ang nakakakilala lamang sa lalakeng iyon ay ang mayordoma ng mansyong iyon.

****
"Miss Mae ipinapatawag na po kayo sa baba, kakain na daw po"
Sabi ng isang kasambahay ng mansyon na iyon.

Agad namang tumingala ang dalaga at sabay nginitian ang kasambahay" Opo susunod na po ako tatapusin ko lang po ang ginagawa ko" sabi naman ng dalaga "kung yan po ang kagustuhan niyo, sige po at mauuna na ako" paalam ng kasambahay.

Sa kabilang dako naman...

"Kamusta na siya?"tanong ng isang misteryosong lalake.
"Mabuti naman po young master" sabi ng kanyang butler
"Mabuti naman kung ganun,wag na wag nyo syang papabayaan kung hindi alam nyo na ang gagawin ko sa inyo" banta ng lalaki. "Opo young master,masusunod po" at lumabas na ang kanyang butler.

Habang hawak nya ang basong may lamang alak ay may isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Hindi ka makakawala sakin akin ka lang Mae".

*************
Xoxo
Fat :)

LOCKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon