Break Up...

3 1 0
                                    

Kyler Justin Navarro

Naghanda ako para sa proposal ko kay Sheena. 1 year and 3 months na rin kasi kami. I know that she is the girl I want to marry someday.

Nagpa-reserve ako ng VIP room sa Castle Restaù. I want to surprise her. Mamaya ko na siguro siya tatawagan pagnakarating na ako dun at nakapaghanda na ako. Matagal ko na rin 'tong iniisip. Noong nandon pa siya sa Germany, iniisip ko na tong surpresa nato. And 2 months ago umuwi siya rito at napag-isip-isip ko na this is it, magpo-propose na ako sa kanya.

Nakarating na rin ako sa tapat ng Castle Restaù. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa parking lot, may malapit akong masagasaan na babae na parang wala sa sarili at umiiyak. Pinadaan ko nalang siya at nakarating na rin ako sa parking lot.

Pumasok na ako sa Castle Restaù at laking gulat ko at parang nabagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko si Sheena na may kasamang lalaki at mukhang masaya sila. Then, nag-kiss sila na parang walang taong nakatingin sa kanila.

Napatingin si Sheena sa direksiyon ko at halatang gulat na gulat. Lumapit siya sa akin. Then, sinampala ko siya. Babae naman siya eh. Bakla na kung bakla pero babae siya eh alangan naman suntukin ko. Agad akong sinuntok nung lalaki. At tinulungan niya si Sheena.

"She's pregnant! Bawal sa kanya ma-stress!" Sabi nung lalaki. Nagulat naman ako.

"Ako ba ang ama?" Sabi ko pero walang sagot. "Ako ba ang ama?!" Sigaw ko.

"I'm *sob* sorry." Tanging nasabi niya habang umiiyak.

"Sino ang ama? Siya ba?" Sabay turo ko sa lalaki. Hindi siya sumagot. "Sumagot ka." Ma-awtoridad kong sabi. Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Kailan pa yan? Ilang months na yan?" Pinilit kong hindi galit ang boses ko. Kahit na niloko niya ako pero buntis din siya. Meron naman din akong awa.

"4 months na siya." Sagot niya.

"Kailan mo siya nakilala? Nung nasa Germany ka?" Sabi ko sabay turo sa lalaki.

Umiling siya.

Naguguluhan ako. Eh, saan pala niya na-meet ang gagong to?

"Huh? Eh, saan mo to na-meet?" Me.

"Dito sa Pilipinas." Sabi niya.

"Huh? Paano? Diba two months ago nung umuwi ka dito? Paanong four months yan?" Naguguluhang sabi ko.

"4 months na akong nandito sa Pilipinas simula nung umuwi ako. Nakita ko si Kris nun sa isang bar, may nangyari sa akin. Doon ko din nalaman na mahal ko pa pala siya. Si Kris, siya ang nanligaw sa akin noon pa pero hindi siya gusto ni Dad." Paliwanag niya.

(Everything I Do) I Do It For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon