★ Kyler Justin Navarro ★
Saturday na pala. Parang gusto kong bumisita kina Mama Kannah. Bumangon na ako at naligo pupunta ako kina Serena ngayon. Hihi. Trip ko lang. Habang tumatagal kasi gusto ko na siyang makita araw-araw.
Lumabas na ako sa room at dumiretso na sa kitchen para magluto ng bab.
(a/n: Bab = Rice)
Nagluto nalang din ako ng gugsu, madali lang naman kasi magluto. Isa sa favorite food ko lalo na pag-nasa Korea ako.
(a/n: Gugsu = Noodles)
Kumain na ako. Ang sarap talaga ng gugsu. Love it! Para na akong bakla dito. Hihi.
*ding.dong.ding.dong.*
Sino kaya to? Hindi naman ako nag-order ah! Baka si Mommy, pero may susi naman siya.
Binuksan ko nalang ang pinto. Pag-open ko, isang delivery boy. May inabot siya sa akin at may pinapirma.
"Thank you." Sabi ko dun sa delivery boy. Tumango lang ito at ngumiti.
Pumasok ako sa bahay at agad binuksan yung parang letter. Pagbukas ko, agad kong nakita ang wedding invitation ni Sheena at Kristoffer.
Hindi agad ako makagalaw sa pwesto ko. Ikakasal na pala sila. Hindi pa nahiya, matapos ng nangyari kinalimutan ko na siya o sila. Take note... Nagbibigay pa sila ng wedding invitation. May sulat pa.
Dear Justin,
I know I've hurt you so much. I'm so sorry. I wanted to invite you to our wedding after all your my friend. A good friend. You don't deserve a girl like me. I'm a sinner. I hope you'll find the girl who you'll love than you love me before.
Your friend,
SheenaNakalipas na rin iyon at sinasabi ko ngayong, I already moved on. Totally moved on. Tumingin ako ulit sa invitation. Nung nakita ko ulit ang mukha ni Kris. Agad kong naisip si Serena.
Agad akong tumingin sa cellphone ko. Ang daming missed calls from Mama Kannah.
Tumawag ito ulit kaya nasagot ko na ito.
ME: Ma, napatawag kayo?
MAMA: Buti naman sumagot ka. She feel relieved. Kasama mo ba si Hannah ngayon?
ME: Aniyo, Mama. Pupunta sana ako jan mamaya eh.
MAMA: Huh? Hindi mo siya kasama? Asan kaya yung babaeng yun? Nakita lang niya yung wedding invitation ng ex niya nawala agad siya. Akala ko nga kasama mo.
Hindi naman agad ako nakasagot.
ME: So ibig sabihin Ma, nawawala si Serena?
BINABASA MO ANG
(Everything I Do) I Do It For You
De TodoPaano kung ang dalawang sinaktan at iniwan ay magtagpo ang landas at maging bestfriend? Paano kung saan nahulog na sila sa isa't isa ay bumalik ang mga exes nila? Sila pa rin ba?