Ninzo's POVNinzo's POV
Its been two years since we parted our ways .
Its been two years since I whisper those words to you .
Its been two years since I give up on you .
Its been two years since you didnt do anything to make me stay .
Its been two years since that day .
Kilala kita since Grade 7 .
Your quiet popular sa school for being the " Hardcore Suplada '' .
Ang taray taray mo at napaka pranka mo pag nagsasalita . Dagdag mo pa yang boyish looks mo . Siguro kung naging lalaki ka , ang gwapo mo siguro pero syempre di hamak naman na mas gwapo ako sayo . Gwapo naman kasi talaga ako . At walang duda dun .Star section ka since Grade 1 to 9 kaya nagulat ako ng pag grade 10 mo
naging mag classmate tayo . Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun.
Matalino ka naman kaya nagtataka ako kung bakit naging mag classmates tayo . Sabi nila , mahilig ka na daw mag cutting classes at hindi ka na gumagawa ng projects .
Yun siguro ang dahilan kung bakit .Election para sa Class Officer natin ng malaman mo yung name ko . Paano , narinig ko si Jessy . Nagulat sya dahil di mo ko kilala .
Pero mas nagulat ako dun . What the heck ? Ako ? Etong gwapong to ? Di mo kilala ? Sang planeta ka galing ? Hayystt kakaloka ka ha ?Two months na pero di pa rin ako makalapit sayo .
Paano ba naman , hahakbang palang ako palapit sayo nanlalambot na yung tuhod ko .
Kinakabahan pa ako at para akong may heart attack pag binabalak kitang lapitan .Ang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo may sakit ako sa puso .Pero isang araw , kinausap ako ni John at sinabing mag laban daw kami sa pagbabasketball .
Ang premyo daw ay ikaw . Alam pala nila na gusto kita. At . daw nila ako sayo . Syempre pumayag ako
Naglakas loob akong lapitan ka .
Pinasunod ko pa nga sila nun dahil kailangan ko ng back up who knows kung bakit . Dun ako umupo sa likod at inusog usog ko pa yung upuan ko para makalapit ako ng konti sayo .
Busy sila sa pagkwekwentuhan pero ako ?Eto inaamoy amoy yung buhok mo . Ang bango kasi .
At dahil busy ako sa pag amoy sa buhok mo hindi ko napansin na nakaharap ka na sa akin .
Sobrang lapit ng mukha mo sa mukha ko . Nakatitig lang ako sayo nun . Nakakatawa nga e dahil ang unang pumasok sa utak ko ay ' Halikan mo Ninzo ' . Pero syempre nag hunos dili ako .
Di mo lang alam kong paano ko pinigilan yung sarili ko na halikan ka nun. Tsaka nagsalubong agad yung kilay mo . Mukhang galit ka , O baka Galit ka talaga . Hindi mukha dahil galit ka talaga ." Sh*t ! Ano ba ? Bat ang lapit ng mukha mo ? " taas kilay mong tanong nun . Putek ! Pati sa pagmumura ang sexy pakinggan .
Nababaliw na yata ako ..
" Arte neto , Inaamoy ko lang yung buhok mo .. "
Ang bango kasi ..
Bumalik ka na ulit sa puwesto mo .
Nakaface ka dun sa board . Sumunod din ako . I face the board din . Nakinig din ako sa teacher natin . Ewan ko pero trip kong makinig sa kanya ngayon. Pero nagulat ako ng humarap ka ulit ." Ano ba ? Bat mo ba pinaglalaruan yung buhok ko ? "
Ha ? Napatingin ako ng wala sa oras sayo at sa buhok mo . Di ko namamalayan na nilalaro ko na yung buhok nya . Ano ba yan ! Letchugas naman oh' baka isipin pa nyang bakla ako .
Mapagkamalan pa ako neto .Months passed , at nalalapitan na kita ng di ako kinakabahan . Hinugot ko pa sa baol ng lola ko yung confidence na meron ako para lang malapitan kita .
BINABASA MO ANG
Another Once Upon A Time Story
Historia CortaA not happily ever after story. Just another once upon a time damn story .