I can't talk to you anymore
it's not that I am mad at you,
it's just that when I talk to you
I realize how much I love you
and when I realize how much I love you,
I realize I can't have you
and that makes me love you even more.
. . . . . .
Sabi nila ang love affair daw matatagpuan kahit saan. Hindi mo masasabi kung sino, kung kailan at saan. Basta dadating na lang. Isang affair na maaring masaya sa una at masakit sa katapusan o hanggang katapusan masaya. Isa siguro akong sinungaling kung sasabihin kong hindi ako naging bahagi nito. Isang “text love affair” at nagsimula ito sa isang wrongly sent message.
Naramdaman ko ang thrill ng pakikipag textmate ng unti-unting naging interesado ako sa mga kwento niya, na kahit sa simple jokes na napapangiti ako, at sa tuwing mag-aantay ako ng mga sagot niya sa mga tanong na kahit ako hindi ko maintindihan.
Nakipag break siya sa kanyang boyfriend at ang message ay “goodbye” at nag sent yun sa cellphone ko-“wong send!”. Nag reply ako, “sorry, but I don’t know you.” Pag katapos ng ilang oras nagreply siya, “sorry, I’d been so careless.” At doon lahat nag simula, sa isang PAGKAKAMALI at naging magtextmate na kami.
Sa simula, wala akong balak patulan ang mga text niya, hindi ko alam pero unti-unti akong nag-eenjoy na itext din siya. Minsan ako pa ang nangungulit. Bawat text niya para sa akin ay may sense. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Parang may magic.
Hindi ko masasabing love at first read, but I felt so comfortable exchanging messaging with her. Makulit siya, minsan kahit mga corny jokes pinapasa niya sa akin. Mahilig siyang mag kwento ng mga nangyayari sa kanya, pag galit siya, pag masaya at minsan kahit walang kakwenta-kwentang bagay sasabihin niya sa akin and I found myself retrieving her messages. The more I read them, the more interesting I found her to be. First time kong makipag textmate at masasabi kong nag e-enjoy ako at siguro ganun din siya sa akin. Minsan naiisip kong corny na din pala ako kagaya niya. Nagiging adviser niya ako at minsan dumadating sa point na para akong tatay kung mag payo. Hindi ako ganito ka baduy, pero dahil sa kanya naiilabas ko ang other side ko.
Masaya ako sa affair naming dalawa na unti-unting lumalago dahil sa mga common interest namin. Lagi kong tinitingnan ang cell phone ko kung nagtext siya. There were times when my cell would beep and say “message received” I would grab my handy phone just to read the message-message which I expected, was from her. At kung hindi galing sa kanya nawawala ang excitement ko at thrill basahin ang mga messages ng mga kaibigan ko. Lagi kong hinahanap-hanap ang mga text niya. Adik na ata ako. Simula ng naging mag kaibigan kami sa text hindi namin nalilimutan mag sabi ng “gud a.m., kamusta na?, I miss you, good night” sa isa’t isa. Daily routine na namin yon at pag nabasa ko yun naka smile na agad ako.
Natawa ako ng nalaman kong madami na pala akong naubos na pera sa load and for sure ganun din siya. Madami din gabi na halos madaling araw na akong matulog dahil lang sa pakikipag text sa kanya at mga oras na tumatawa mag-isa kaharap ang cellphone ko. Kahit ganon man, masaya ako. I was aware that I was being addicted to texting with a complete stranger who could be a psycho. However, I reassured myself that this was all in the spirit of fun and nothing serious would happen. Mahirap mag invest sa isang affair nakahit ako alam kong mahirap gawing makatotohanan.
Naisip kong mag next level na kami. Nag plano akong makipag meet sa kanya. Iba kasi ang pakiramdam kung magkikita na kami. Baka sakaling mas gumanda yung friendship na nabuo namin mula sa text world. Swerte ko naman at pumayag siya. She said she was going to bring somebody. Sa totoo lang, gusto ko kami lang dalawa, para mas makilala naming ang isa’t isa. Hindi ko na tinanong kung anong reason kung bakit magsasama pa siya, basta pumayag na lang ako and I decided na magsama din. At last she would no longer an imagination, she was going really real.
She turned out to be attractive. Gusto ko ang angelic face niya, specially pag tumatawa ang kanyang mga mata. When I would be asked to describe her, I will use the word “charming”. I guess that’s the magic of infatuated. Hindi matago sa muka ko ang pagiging masaya. Parang ang swerte ko dahil siya ang ka-textmate ko. Ang sarap niyang kausap specially sa personal. Hindi siya suplada.
But I never thought I would be stupid enough to let this happen. And I convinced myself that it was meant to happen. Para akong nasuntok sa muka that time. Kahit sabihing masaya ako ng makita ko siya, nang nakita ko naman yung kasama niyang FRIEND nag iba ang timpla ko. Masasabi kong may dating siya. Parehas kaming todo porma, mabango, matangkad lang siya sa akin ng konti at mukang original ang adidas shoes niya at ang akin imitation, pero nasa nagdadala yan.
Sa totoo lang umuwi akong disappointed, kahit hindi ko ito pinahalata, alam kong ramdam niya yon. Siguro dahil hindi ko inaasahan na ang makakasama niya ay yung boyfriend niya. Aminado akong ako ang may problema, masyado ako na-excite, umasa sa maaring magandang mangyari sa aming dalawa. Nag expect ako at nangarap. Natawa na lang ako sa sarili ko, na hindi ko akalain na ganito pala ang nagawang pagbabago sa akin ng textmate ko. I found myself so disgusted by a great big reality. I thought she’s free because the last message was “goodbye.” Nabuhay ako sa maling akala at hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nag invest ng feeling sa kanya.
I received an explanation from her, she said: ”we had our reconciliation, we fixed things, he thought we’re still okay because he didn’t received my goodbye, he hung on.” Putik! Dahil sa wrong message na yon! Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil naging sila ulit or maaasar ako dahil bakit hindi nareceived ng boyfriend niya yung “goodbye.”
After few weeks, I was convinced that I had gotten over this unreasonable admiration. Dapat maging cool lang ako the next time we exchanged messages. This is the only way para naman hindi ako mapahiya sa sarili ko. Kahit alam kong hindi pa man ako nagsisimula ay talo na agad ako.
And I was at first. There was no exclamation point after my hello. There’s no more thrill. Sinabi ko sa sarili ko na it’s just only for fun. But I couldn’t cheat myself for expecting too much. Twice as much, kung hindi lang siya masarap kausap, mahilig mag pasa ng mga corny jokes na kahit ako eh napapatawa niya, kung hindi ko lang nararamdaman yung sweetness niya at pagiging concern sa akin, maybe it is easier for me to get myself back to my old senses. Sayang kasi yung four months na naging mag kaibigan kami. Na every morning may “gud a.m.” akong mababasa sa cellphone ko mula sa kanya. Siguro kung hindi lang dahil sa boyfriend niya pwede ko siyang ligawan at soon magiging lovers kami. Hindi ko na sinabi ang mga bagay na ito sa kanya, ayokong kaawaan niya ako or mapahiya ako sa kanya, sapat na yung alam niyang masaya ako para sa kanila dahil sila na ulit.
My hard-earned sense of self-worth tells me that there are still many girls out there. Kahit alam kong nag-iisa lang ang tulad niya, na siya yung gusto at hindi ang iba. Tinamaan na talaga ako sa kanya, kasi kung hindi, dapat hindi ako ganito kaapektado. Tama yung sinabi ng barkada ko noong nalasing siya, hindi dahil inlove ka na ay mananatiling masaya ka na, minsan daw kung sino yung nagmamahal ay siya yung nagpaparaya, yun tipong sumasalo ng salitang “sacrifice”. Tinawanan ko lang siya sa kakornihan niya that time noong sinasabi niya yun but now ngayon ko napatunayan na tama ang barkada ko. What goes around never comes around. Hindi ako corny, nagmahal lang ako ng hindi sinasadya.
I deleted her number and bought a new sim card for me. Ayokong makikulit ulit sa kanya. Sapat na ang apat na buwan na naging mag kaibigan kami. Wala ng pa-cute sa text akong gagawin, wala ng corny jokes at wala ng load na magagamit.
I know I had to put a period to our wrongly sent love affair for it was just a relation in a virtual world that was not meant for us. Next time, pag may na-wrong send ulit sa akin, I just ignore it, erase the message and number para naman hindi ako mag attempt na mag text back. Mahirap na mag invest baka walang bumalik ulit sa akin, malulugi lang ulit ako.
I miss her- her messages, her jokes. Siya lang ang nagpatawa sa akin sa harap ng cellphone ko.