"ALEXAAAANNNNDDDRRRRAAAAAAAAAAAAA"
Napatingin ako sa kanila.
Ayan nagsisigawan na naman. Araw araw ako naririndi sa mga sigawan, takbuhan at nga harutan nila.
Buti na lang pala dito ako sa likuran nakapwesto harhar.
Ako si Nica Jane isang nobody sa classroom na ito.
"Mga pare laro tayo" aya ni Celine.
Hays.
Naiinlove na naman ako sa kanya.
Crush nya rin kaya ako? :(
Give me a sign....
Nahh, ang harot mo Nica behave ka.
Napatingin ako kay Jan at sakto napatingin din sya sakin.
Nagulat ako kaya agad kong in iniwas yung tingin ko.
Feeling ko namumula ako shemay nakakahiya baka makita nya.
"Ano na namang kalokohan to?" Sabi ni Graz
"Tara na 30 minutes na lang dadating na si mam math."
Nakita ko naman na nagtumpok tumpok sila sa gitna.
Tatayo na sana ako para lumabas ng tawagin ako ni Jan.
"Nica.... Ahh... Ano.. Sali ka samin kulang kasi kami ng isa para maging sampu"
Hanggang ngayon hindi parin ako makalingon sa kanila kasi baka hindi ko mapigilan yung ngiti ko.
Baka mahalata nya pang may gusto ako sa kanya.
"Oo nga minsan lang naman eh" sabi pa ng tropa ni Jan.
Sasali ba ko?
Bahala na.
Lumingon ako sa kanila at lahat sila nakatingin sakin.
Palapit nako sa kanila.
Nakatingin sakin si Jan.
Napapangiti pero kailangan kong pigilan.
Nakita ko namang nagbulungan silang lahat pwera lang kay Jan.
Habang papalapit ako ng papalapit, nag mamake way sila para dun ako sa tabi ni Jan umupo.
What kind of feeling is this?
The heck.
Napilitan akong umupo sa tabi ni Jan kahit kakakaba kaba pako.
Act normal Nica, baka mahalata ka nila.
"So ano namang lalaruin natin?" Tanong nila at lahat napatingin kay Celine dahil nga siya ang nagyayang maglaro.