uno.

12.9K 289 24
                                    

The emptiness is eating me up and the sadness, it's drowning me.


"MOM, sigurado ka bang magiging okay ka lang? Pwede naman akong hindi umalis ngayon." Napatingin ako kay Haze at matipid na ngumiti. Pinilit ko ang sarili kong maging matatag sa harap ng anak ko. Ayokong makita niya na hanggang ngayon ay nangungulila at hinahanap ko pa rin si Astrid.

I still can't believe my daughter's dead.

"I'm fine, Haze. You don't have to do that." Huminga ng malalim si Haze. Alam kong nararamdaman nya ang pagsisinungaling ko. I can't lie to him. Kagaya ni Kreios ay madali lang para kay Haze ang basahin ako.

"I'm sorry, Mom." Natigilan ako nang humingi siya ng paumanhin sa akin. Bakit? "Wala akong nagawa para sa kapatid ko." Nagbadiya na sa aking mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak. Alam ko na hindi lang ako ang nahihirapan pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya ang gusto ni Astrid para sa amin.

"Live."

How am I supposed to continue living if my daughter died right before me and I can't do anything to save her? It was all my fault.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Haze kaya niyakap ko rin siya. I see. I need to be strong para kay Haze at para kay Kreios.

"Wala kang kasalanan, Haze." Tinapik ko ang likod niya bago kumalas sa yakap. He smiled at me bitterly.

Nagpaalam na sa akin si Haze bago siya tuluyang umalis. Kailangan niyang pumunta ng ibang bansa para sa trabaho niya.

Matapos naming ihatid si Haze sa airport ay dumiretso na kami ni Kreios sa bahay. Ilang taon na ang nakalipas nang mawala nalang bigla si Astrid at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya na para bang kahapon lang iyon nangyari. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matanggap.

Dumiretso agad ako sa kwarto namin nang makarating kami sa bahay. Hindi na ako nagpaalam pa kay Kreios dahil alam naman niya na iyon ang gagawin ko the moment na makarating kami dito. Wala naman kasi akong ibang ginagawa sa buhay ko simula nang mawala si Astrid kung hindi ang magkulong sa kwarto ko.

May pagkakataon na naiirita at nagagalit ako kay Kreios dahil pakiramdam ko ay sobrang bilis niyang nakalimutan si Astrid, na para bang wala lang sa kanya na namatayan kami ng anak. Nakikita ko pa minsan na nagagawa niyang ngumiti. How can he smile so genuinely when our daughter died? Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak nang mamatay si Astrid. Wala bang halaga sa kanya si Astrid?

"Hel,"

Nakahiga ako sa kama at nakatalikod sa kanya. Ayoko siyang kausapin dahil baka mailabas ko lang sa kanya lahat ng sama ng loob ko.

Naramdaman kong umupo si Kreios sa kama pero hindi ko pa rin siya kinibo. Hinayaan ko lamang siya doon. Ipinikit ko nalang ang mata ko at nagpanggap na natutulog.

"Anong bang problema? Bakit pati ako ay ayaw mong kausapin?" Nagtaka pa siya. Paano ko kakausapin ang isang taong parang hindi man lang nasaktan na nawala ang anak niya? Paano niya nagagawang mabuhay ng normal? Para bang para sa kanya namatay si Astrid tapos, tapos na.

Humarap ako ay Kreios. Gusto niya akong magsalita, hindi ba? Okay, fine! I'm going to fucking talk.

"Bakit kinalimutan mo nalang si Astrid nang ganoong kadali? Bakit hindi ka man lang umiyak para sa kanya? Bakit Kreios? Bakit pakiramdam ko walang halaga sayo si Astrid? Na natanggap mo agad na wala na siya. Paano maging ganyan? Ituro mo naman sa akin, kasi ako, hirap na hirap pa rin sa nangyari noon." Nakita kong nagulat si Kreios sa mga salitang bintawan ko. Maging ako man ay nagulat din. Hindi ko alam bakit ko sinabi ang mga iyon sa kanya.

Mystique Academy 3: The Cursed Academy (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon