Isn't hard to hear that your best friend can't even remember you?
Theo's Point of View
NATAHIMIK kami saglit nang umalis si Hel. Wala kaming ideya kung saan ba talaga siya pupunta.
"Hayaan nalang muna natin si Hel. Hindi pa siguro niya matanggap na kinalimutan siya ni Kreios—HAHAHA!" Tumingin kaming lahat sa kanya nang malakas na tumawa si Raven.
"Anong nakakatawa sa sitwasyong ito?" Seryosong tanong ni Luca sa kanya.
Pinahid ni Raven ang mga luha sa gilid ng mata niya. Naiyak pa ata kakatawa si gago.
"Kasi...ang cute magselos ni Hel." Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila. Hindi ko gusto ang nangyayari pero tama siya, ang cute ngang magselos ni Hel. Masyado siyang halata kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya.
Hindi rin naman nagtagal simula nang umalis si Hel sa klase ay siya namang balik nila Kreios at ng babaeng kasama niya lagi.
"Parang linta naman ang babaeng iyon. Hindi ba siya marunong ng salitang space. Like duh." Puna ni Chloe nang makita ang dalawa.
Hindi ko masyadong iniisip ang mga ganoong detalye. Nagpapasalamat lang talaga ako dahil buhay si Kreios. Sa ngayon, iyon lang muna ang mahalaga kahit hindi niya kami maalala.
Sunod na pumasok sa klase ay ang teacher namin kaya naman nagsi ayusan na kami ng pwesto.
"Good morning, class. Magche-check lang muna ako ng attendance." Nalintikan na. Ano nalang sasabihin namin kapag tinawag si Hel?
"Hel." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Pinaka una pa siyang tinawag.
"Absent po." Naglakas loob na akong sumagot since seatmate ko naman siya. Halata namang nagulat ang guro namin dahil sa sinabi ko.
"Ha? Nasaan si Hel? Ang akala ko ay pumasok siya kanina?"
"Umalis po. Emergency daw po." Napatingin sa direksyon namin si Kreios nang isagot ko iyon. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay agad din naman siyang nag iwas. Ano bang problema niya?
TAPOS na ang klase at nag aayos na ako ng gamit para makauwi na. Gusto ko na ring magpahinga. Hindi na rin naman bumalik si Hel simula nang umalis siya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Sobra ba siyang apektado kay Kreios o sadyang may iba lang siyang iniisip? Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang takbo ng utak ng isang iyon.
"Tara na?" Pag aaya ko sa kanila. Tumango naman sila at sabay sabay na sana kaming aalis nang lumapit sa amin si Kreios.
Hinintay lang namin siyang magsalita. Pakiramdam ko kasi ay may gusto siyang sabihin. Nanatili lamang naman kaming nakatingin sa kanya.
Bumuntong hininga si Kreios. "Iyong babae kanina, nasaan siya? Bakit hindi siya pumasok?" Si Hel ba ang tinutukoy niya?
"Si Hel ba?" Pagkumpirma ni Bellona. Sabagay, si Hel lang naman ang hindi na pumasok sa klase naming ito, eh. Kaya malakas din ang pakiramdam ko na siya ang tinutukoy ni Kreios.
Tumango si Kreios.
"Wala. Umabsent." Matipid na sagot sa kanya ni Luca. Tumango lang naman siya.
Inaasahan ko na aalis na siya dahil ganoon naman siya. Isang tanong, isang sagot tapos wala na. Kung wala na siyang kailangan ay iiwan ka nalang pero hindi siya agad umalis.
"Totoo bang kilala ko kayo?" Napangisi ako. Ngayon ay mukhang interesado na siyang malaman ang tungkol sa amin.
Tumingin muna ako sa mga kasama ko bago kami ngumiti at muling tingnan si Kreios. Tumango ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mystique Academy 3: The Cursed Academy (AVAILABLE ON DREAME)
FantasyBook 3: Mystique Academy: The Cursed Academy After the tragedy that falls upon them. Hel and Kreios, being the most vulnerable, were targeted by someone from their past take it as an opportunity to play and manipulate them. How can they escape when...