CHAPTER 5: I think I love you

1.1K 19 1
                                    

Mabilis na tumakbo si Alex papalayo sa mga ROTC students na humahabol sa kanya. It was their first day of foundation week. At hinahabol siya ng mga ROTC students dahil ikukulong siya ng mga ito para sa wedding booth. Naposasan na siya ng mga ito subalit dahil black belt siya sa Taekwondo ay nasipa niya ang mga ito at siya ay nakatakas. Ayaw niyang magparticipate sa wedding booth na iyon lalo pa at si John ang kanyang groom! Hindi niya maatim na maikasal sa iba bukod sa kanyang amore na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napagkikita, kaya wala rin siya sa mood magparticipate sa mga foundation day activities. Narinig niya ang papalapit na mga yabang ng ROTC students kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Marami siyang nabunggo, maraming nagalit sa kanya at marami ring nagtataka kung bakit siya tumatakbo ng nakaposas. Sa parking lot siya dinala ng mabibilis na mga paa niya. Nagtago siya sa mga gilid ng mga kotse upang hindi siya mahuli ng mga ito.  Mabuti na lamang at inaabot siya ng swerte dahil nakita niya ang isang Hyundai Tucson2011 na itim ang nakabukas ang compartment. Dali-daling pumasok siya sa loob. Hirap na hirap siya nang ibaba niya ang pinto niyon dahil medyo may kabigatan iyon lalo pa at nakaposas siya. Nagtagumpay naman siya. Pamilyar sa kanya ang amoy ng sasakyan. Naalala tuloy niya ang amoy ni Jarren. Naestatwa siya nang makitang dumaan ang isa sa mga ROTC students. Salamat na lang at dark tinted ang sasakyang iyon kaya naligtas siya.

Sa wakas ay nakahinga na rin siya ng maluwag at nakatakas siya sa maduduming mga kuko ni John. Lihim na pinasalamatan niya ang may-ari ng sasakyang iyon. Hindi niya alam pero bigla na lamang nanghina ang kanyang katawan. Naghikab siya at hindi niya namamalayang tuluyan na siyang nilalamon ng antok.

Nagising si Alex nang maumpog siya sa gilid ng pinto ng compartment na iyon. Napabalikwas tuloy siya ng bangon at nagulat siya nang makita niya ang tanawin muna sa labas.

Hala! Na-kidnapped ako!

Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip. Siya ang kusang sumakay roon at dahil sa katangahan at sobrang pagod ay nakatulog siya. Hindi tuloy niya namalayan na umandar pala ang sasakyan na pinagtaguan niya at dinala siya sa kung saang lupalop. Binuksan niya ang pinto ng compartment at saka ay umibis roon. Makapal na hamog at malamig na hangin ang sumalubong sa kanya.

 Oh my gosh! Nasa planetang earth pa ba ako?

Naglakad-lakad siya at doon ay nakita niya ang isang magandang bahay. Marahil ay isang rest house iyon. Gusto niyang kausapin ang may-ari ng sasakyang iyon at humingi ng tawad dahil sa kagagahan niya. Kinatok niya ang pinto ng bahay subalit walang sumasagot. Giniginaw na siya at sinisipon dahil sa sobrang lamig. Naka-tshirt at tokong pa man lang din siya. May kung ano na namang pumasok na ideya sa kanyang isip. Nagtungo siya sa likod ng bahay at nakita niya ang medyo may kataasang bakod na pumapalibot sa bahay. At dahil siya ay isang magaling na cheerdancer at martial artist ay walang kahirap-hirap na natalon niya ito... subalit sumabit ang isa niyang paa kaya tuluyang napahalik siya sa mga namumulak na halaman roon. Naramdaman na lamang niya ang pagdantay ng malapot na likido sa kanyang ulo at tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

“Aray...” dahan-dahang iminulat ni Alex ang kanyang mata. Napakasakit ng ulo at katawan niya. Hindi niya masyadong maigalaw ang kanyang leeg sapagkat may brace na nakasuporta roon.

 Brace? Teka, ano ba ang nangyari sa akin?

Hinawakan niya ang kanyang ulo, mayroong gauze pad ang gilid ng kanyang noo. Mayroon din siyang mga band aid sa braso at binti.

“Huwag ka munang gumalaw kung ayaw mong tuluyang mabali iyang leeg mo.” Dahan-dahang lumiwanag ang kanyang paningin at nakita niya ang pinakagwapong mukhang nakita niya sa balat ng lupa. Napabalikwas siya ng bangon dahilan upang gumuhit ang sakit ng kanyang leeg. Muli siyang napahiga.

Then I Met Professor ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon