Pag-ibig ng Tagahanga

24 1 0
                                    


Labis na kasiyahan ang nararamdaman
Sa tuwing nakikita ko ang iyong larawan
Mula sa telebisyon ika'y pinagmamasdan
Nangangarap balang araw na akoy 'yong mapakasalan

Ako'y tagahanga mo mula pa noon
At patuloy paring humahanga sayo hanggang ngayon
Kahit na tumanda ka pa ng ilang taon
Ikaw lang ang nag-iisang idolong sa puso ko'y nakabaon

Kahit na ako'y isa mo lamang tagahanga
At kahit na hindi pa man tayo nagkikita
PCY sanay ikaw na nga
Ang sa aki'y nakatadhana

By: Simple_Angelly

---

PoetryWhere stories live. Discover now