A/N:Dahil ito ang kauna unahang story ko ito di ko alam kung maiiyak kayo,or wala lang sa inyo or what pero sana magustuhan nyo.
Cy's POV
Nakadungaw ako sa bintana ng hospital.Ang ganda ng umaga,ansarap ng simoy ng hangin.Hay sana nga humaba pa ang buhay ko at palagi kong makita ang magandang umaga at malanghap ang simoy ng hangin.Kaso wala na palang ibang paraan upang malunasan ang sakit ko.
*Flashback*
Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko.Nandito pala ako sa hospital at nakita ko si mama sa labas kausap ng doktor."Misis bat ngayon nyo lang po pina check up ang anak nyo,hindi nyo po ba alam na malubha na ang sakit nya?" sabi ng doctor.
Di naman makasalita si mama dahil sa narinig nya.Sino ba kasi yung tinutukoy ng doktor eh di naman pwedeng ako yun kasi malakas ako.Malakas pa ako para mag karoon ng sakit at masyado pa akong bata para dun.
"D-doc anu pong ibig nyong sabihin" tanong ni mama na nanginginig ang boses.
"Misis mahirap man pong sabihin,pero huli na po ang lahat para sa anak nyo.Isang sumpong nalang ng sakit nya..."-doc
"Ano doc!ano !!?"-mama
"...yun na po ang kanyang katapusan."
"P-p-pero masyado pa syang bata para maranasan nya iyon" sabi ni mama na tuluyan ng umiyak.
"Wala na po kaming magagawa" sabi ng doktor sabay alis.
Pumasok si mama sa kwarto ko at nagulat sya dahil gising ako.
"N-nak b-bat gising ka na?"sabi ni mama na pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
"Eh ma pano di ako magigising eh ang ingay nyo saka sumakit yung ulo ko"sabi ko habang hawak ang ulo ko dahil sobrang sakit na nito.
"M-ma sino ba yung tinutukoy nung doktor?" pilit kong tanong dahil sa sakit ng ulo ko.Parang nabibiyak.
"N-nak "May nakita akong luha sa mata ni mama.
"Ma wag ka ngang umiyak sino ba kasi yun?"
"Nak patawarin mo si mama.Nak malubha na ang sakit mo."Tuluyan na ngang umiyak uli si mama.
Di ako makapaniwala sa sinabi nya at di ko napigilan ang sarili ko na umiyak na din.Bakit ako pa?Sa dinamidami ng tao sa mundo bat ako pa?
*End of Flashback*
Simula nung araw na yun pinahalagahan ko na lahat ng tao sa paligid ko.Pinaparamdam ko sakanila bawat minuto na mahal na mahal ko sila.
Si mark yung boyfriend ko lagi nyang sinisiguradong maayos ako at walang mangyayaring ikasasama ko.Nalaman nya kasing may taning na ang buhay ko at gusto pa daw nyang iparamdam na mahal na mahal nya ako.
"Cy?"sabi nung tao sa labas.
"Pasok"sabi ko.Ahh si mark pala ang pinakamamahal ko at may inabot sya saking bouquet of flowers.
"Answeet mo talaga".sabi ko kaya nag blush sya.
"Mag palit ka cy may pupuntahan tayo".sabi nya kaya naman nagbihis ako.Pagkatapos nun nilagyan nya ng piring yung mata ko.
Mark's POV
"Waah mark san ba tayo pupunta"tanong ni cy sakin.Ayts wait lang malapit na tayo
"Andito na tayo" inalis ko yung piring niya.
Cy's POV
Nagulat ako sa nakita ko nasa isang park kami tapos madaming panda yung mascot,may hawak silang bamboo tapos may biglang tumugtog.