Chapter 3

15.4K 323 6
                                    

This case was all about revenge. Tatlong taon na ang nakakaraan ng pasukin ang mansion ng mga Abellioni. At nasawi doon ang asawa ni Mr. Gerard Abellioni.

Napasakamay ng mga awtoridad ang mga akusado sa loob lamang ng ilang araw. Nagkaroon ng imbestigasyon. And according to the police report those suspects were under the influence of drugs while committing the crime.

They were all high. Nahatulan ang mga may sala. Ngunit pagkalipas ng ilang linggong pagkakakulong ng mga akusado, namatay ang mga ito sa loob ng kulungan.

Surely there was a foul play. Ngunit ang sabi sa police report, nagkaroon ng kaguluhan ang mga preso at kasama ngang nasawi ang tatlong akusado. Pero sa pangyayari, alam mong hindi ito ganon kasimple. At nalaman ito ng matandang Abellioni ngunit hindi na niya pinaabot pa sa mga awtoridad.

Rafael Santiago. A very high profile and yet dangerous man. His family had been massacred and he's thinking it was all a deed and planned by the old Abellioni. And now he wanted to get his revenge to Mr. Gerard Abellioni and his son. Pero itinanggi ito ng matandang Abellioni.

Elite is a security with both connection to the FBI and NBI, we're legit. How come Rtd. Commander Catamisan accepted this case.

I grinned. One helluva action is awaiting!

I dialled Sir Arthur's number. It took a moment before he picked up my call.

"..Axl. I assumed you already read the report. Do you still want to continue the mission?.." sagot niya mula sa kabilang linya.

"I'm in." I replied quickly.

"..Good. Hindi ako nagkamali sa pagbibigay sa iyo ng misyon na ito. Kayong dalawa ni Kairo ang napili ko para dito dahil alam kong mas kumportable ka kung siya ang kasama mo.." I heard the sincerity in his voice.

"Thank you for trusting me and Kairo Sir." mahinahon at kalmante kong sagot.

"..I will update you asap for the list of names you needed to keep your eyes on. Just don't leave Zero out of your range, he's a bit hard headed but I know you can handle him.." pagpapa alala niya. Figured much Commander.

"No problem. I can take care of him." nagpaalam na ako. May mga naidagdag pa siya na wala sa report before he cut the call.

Naisipan kong katukin si Zero, buong araw ng hindi lumalabas ngayon ang lalaking iyon.

Pakatok na ako nang bumukas ang kanyang pinto. Lumabas doon ang isang Zero na bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"May lakad ang banda." aniya at nilagpasan na ako.

Naglakad ako pasunod sa kanya. Napahinto siya at humarap sa akin.

"I already called my Dad. You don't have to come with me." kaswal niyang sabi. Tumalikod muli at naglakad na. It's so loud and clear that he doesn't want my presence to wherever he wants to go.

"Sasama pa rin ako." sagot ko. He faced me with his irate face.

"I told you, you don't have to come with me." iritable niyang sabi.

"I only follow order from my superior." I seriously said. Hindi ako mapipigilan ng kahit sino kahit pa ng ama niya.

"But I'm paying you." he hissed. "Why don't sit back your ass here and just relax. Lalabas lang ako, walang mangyayari sa akin. Okay?" napabuga pa siya ng malakas na hangin.

"Then you will stay here." kung iyon ngang nandito siya sa loob ng kanyang bahay, nagawang magpaputok ng mga kalaban. Paano pa kung nasa labas siya? Mapurol na yata ang utak ng isang ito. "Or take me with you. Take it or leave it." I said with finality in my voice.

The Playboy's Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon