Hanggang kailan?

8 0 0
                                    

Habang siya natutulog ng mahimbing ikaw naman pigil ang hikbi upang walang magising

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang siya natutulog ng mahimbing ikaw naman pigil ang hikbi upang walang magising.
Habang siya nag sasaya sa piling ng iba ikaw nababaliw kakahanap sakanya.
Hindi ka niya kilala pag meron siya samantalang ikaw handang ipangutang ang pambili ng cake para sa kaarawan niya.
Hanggang kailan?
Hanggang kailan mo kayang tiisin ang masasakit na salita na sanay pinisikal na lang.
Hanggang kailan mo panghahawakan ang nakaraan, dating siya, dating kayo, masasayang araw at ang mga pangako na alam mong kahit umiyak ka ng dugo hinding hindi mo na maibabalik.
Hanggang kailan mo titiisin ang sarili. Hanggang kailan mo paiiralin ang puso. Hanggang kailan mo ipaglalaban ang taong matagal ka ng sinuko?
Mahal mo? Mahal ka? Oo daw sobra sabi niya. Putangina sobra pa?
San banda? Wala sa laman. Nasa isip at puso.
Kung paulit ulit ka ng niloloko o sinasaktan bakit patuloy ka pang kumakapit?
Pinupugot ang mga martir.
Naisip mo ba? Siguro masaya nga siya ng wala ka. Masaya siya sa ginagawa niya at sa piling ng iba. Wala siyang pakialam sa'yo.Sa iyo na walang ibang hiniling kundi ang buong pusong pagmamahal at kaligtasan niya kung nasan man siya tuwing di mo siya mahagilap.
Laging may putanginang nagsasabing unattended yung number na tinatawagan mo. Kulang na lang sigawan ka at murahin ka na. 'Tanga ka ba? Paulit ulit na ako. Huwag ka ng tumawag ayaw ka niyang makausap. Wala siyang pake kung galit o nag aalala ka. Hindi ka niya mahal...'
Ang sakit sakit diba?
Magigising ka na lang sa madaling araw. Wala pa ring text o tawag, mag bubukas ka ng fb wala ring chat di man lang na seen yung message mo.
Ngayon sabihin mo sakin HANGGANG KAILAN KA MAGPAPAKATANGA?
BAKIT MO KAILANGAN MAG TIIS KUNG PWEDE KA NAMANG LUMAYO AT HANAPIN DIN ANG MAGPAPASAYA SA IYO. Hindi ka sundalo para lumaban. Prinsesa ka at ikaw dapat ang ipinag lalaban lagi mong tatandaan yan.
Hindi ko na ulit itatanong kung hanggang kailan.
Dapat hanggang ngayon na lang. Paki usap iyo ng palayain ang sarili sa sakit at pighati. Gusto kong mabuhay ka ng masaya kasama ang mga taong alam ang iyong halaga. Happy Independence Kapatid!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon