First Shot: Elementary Years

52.6K 1.3K 417
                                    

First Shot: Elementary Years

          Bagong lipat ako sa lugar na yun ng mga araw na yun. Wala akong kakilala at imposibleng magkaroon din ako ng kaibigan dito kasi sobrang mahiyain ako.

          Sa loob ng isang taon ko sa Grade 2, ipinasok nila ako sa public school. Bagong lipat nga kasi kami sa lugar namin. Wala kaming alam na school maliban sa public na yun.

          Kaya lang, dahil sanay ako sa private, pagka-Grade 3 ko, nilipat din ako nila Mama sa isang private school na mas malapit sa bahay namin kaysa sa nauna kong school na public.

          8 years old pa lang ako nun at bago sa school kaya nung iwan ako ni Mama sa classroom ko, umiyak talaga ako.

          Oo, alam kong matanda na ako para umiyak nung iwan ako ng Mama ko. Pero, bilang isang bata na nasa bagong lugar, hindi mo talaga maiiwasan ang matakot. At yun ang nararamdaman ko.

          Sinusuway ako ni Mama na wag daw akong umiyak kasi ang laki-laki ko na. Saka naka-isang taon na din naman kami dito sa lugar namin kaya bakit pa daw ako umiiyak?

          Kahit anong iyak ko, dumating yung oras na pinaalis na ni teacher yung mga nanay na naghatid sa mga anak nila.

          Ako naman iyak pa din ng iyak.

          "Bata!"

          Napalingon ako sa tumawag sa akin. At nakita ko ang isang batang lalaki na papalapit sa akin.

          "Wag ka ng umiyak!" umakbay pa sya sa akin sabay pat sa ulo ko para patahanin ako sa pag-iyak ko. "Babalik din Mama mo mamaya! Tahan na! Gusto mo ba tabi na lang tayo?"

          Hindi ako sumagot kasi hindi ko naman sya kilala. Alam kong classmate ko sya pero hindi ko pa din sya kilala.

          "Mam! Tabi na lang po kami nitong si iyakin!" tawag nya sa teacher namin.

          "Ay sige Opeda! Kayo na lang ang magtabi!"

          Uso pa noon yung iisang desk na mahaba na may partner din na mahabang upuan. Pangdalawahan yun kaya nagkatabi kami. Hinila nya kasi ako dun sa upuan nya.

          "Ano pangalan mo?" tanong nya sa akin.

          Pero hindi pa din ako sumagot. Iyak pa din ako ng iyak.

          Siguro napagod na sya na kausapin ako at sa hindi ko pamamansin sa kanya kaya tumahimik na lang sya saka kumuha ng bond paper sa bag nya at nagsimulang magdrawing.

          Nung napagod na din akong umiyak, napatingin na lang ako sa kanya at sa ginagawa nya.

          "Wow!" natutuwang sabi ko. "Ang galing mong magdrawing ng rose!" napapapalakpak pa ako.

          "Hehehe! Syempre naman! Ako pa?!"

          Hanggang sa magrecess na ay gumaan na yung pakiramdam ko. Saka ang bait ng seatmeat ko.

          Nung sumunod na araw, nung iwan ako ni Mama, hindi na ako umiyak. Kasi nandyan na si Opeda para alalayan ako sa bago kong school.

          Mula Grade 1 pa daw sya nag-aaral dito sa SOH. At dahil sa palatawa sya at masaya kasama, naging magkaibigan kami.

          Tuwing uwian habang naghihintay ako na sunduin ni Mama, lagi kaming naglalaro ni Opeda sa may quadrangle. Syempre, dahil lalaki sya, mga laro namin panlalaki din.

4663293Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon