Third Shot: College Years

28.4K 1.5K 714
                                    

A/N: Gaya ng nasabi ko sa pinaka-una kong Author's Note, walong halong fiction ang kwento na 'to. Pawang katotohanan lamang ang lahat ng nakalagay dito. This is based on true to life event ng pang-apat na myembro ng GOMBURZANETTE XD Hahahaha! Nagpatawa pa eh no? Hard core na kasi 'to. Bawal maiyak :D

Play nyo yung multimedia sa gilid para damang-dama. :) Wag kalimutang magcomment okay? Love you all at salamat sa pagbabasa :)

Third Shot: College Years

          Nakakapanghinayang yung nangyari sa kanya. Sayang. Ang dami pa naman sanang opportunities na naghihintay sa kanya kung sakaling nakapagcollege sya.

          Magaling sya sa pagdadrawing. Akala mo professional ang gumawa. Magaling pa sya sa mga mechanical thing sa subject nila na TLE. Hiwalay kasi ang boys and girls kapag TLE subject na. Iba kasi tinuturo sa babae at lalaki kapag subject na yun.

          Sayang. Pero anong magagawa ko? Nabuntis na nya. Wala na akong magagawa.

          Pero ang ikinagulat ko, nang marinig ko ang balitang yun, wala ni isang patak ng luha ang lumabas sa akin. Ewan. Siguro napagod na din ako sa kakaiyak. Siguro nauntog na rin ang ulo ko na kahit anong gawin ko, walang mangyayaring love story sa amin.

          Mga paasa lahat ng writers. Sobrang ganda ng love sa mga ginagawa nila. Pero sa totoong buhay, hindi naman ganoon kasaya ang love.

          Mas maraming beses kang masasaktan kaysa magiging masaya. Kung magiging masaya ka man, sandali lang yun. Mas maraming beses kang iiyak kaysa yung nakangiti ka.

          Siguro nang malaman ko ang tungkol sa balita na yun, kailangan ko na magmove on. Wala na eh. Dead end na. Mag-aasawa na sya. Naglilive in na nga sila eh. Ano pa bang habol ko?

          Ano pa bang hahabulin ko?

          Pakiramdam ko, nasayang yung 8 taon kong pagmamahal sa kanya. Sa paghihintay sa kanya. Sa pangangarap na balang araw, lilingon sya sa akin at mapapansin nya ako.

          Ewan ko ba sa kanya! Ang bulag nya! Lahat ng babaeng dumadaan nakikita nya. Samantalang ako, hindi man lang nya makita-kita kahit na nasa harapan nya lang ako.

          Siguro dahil sa hindi ako maganda kaya ganoon. Akala ko pa naman nagbago na ako. Wala pa din palang nagbabago sa akin. Ako pa din pala yung lampayatot na galising bata na laging nabubully noong elementary.

          Sabi nga ng isa kong kaibigan sa akin, madami pa daw iba dyan.

          Ganoon naman yung mga tao eh. Ang galing magpayo. Ang dali nila sabihin na: "Kaya mo yan! Malalagpasan mo din yan!" o di kaya: "Makakahanap ka din ng iba! Ang daming lalaki dyan o!"

          Oo. Madaling sabihin. Madaling sabihin lalo na kung hindi mo napagdaanan ang bagay na nangyari sa tao na yun. Ang daling magsalita ng bibig ng tao. Kaya nga minsan, hindi na nila naiisip kong ano ba ang mararamdaman ng taong pinagsasabihan nila ng ganoon.

          Hindi masamang magcomfort. Pero, minsan, mas nasasaktan pa sila sa pagkocomfort na ginagawa mo.

          Lokohin ko man ang sarili ko na makakalimutan ko na sya, na magmomove on ako, alam ko, na sa puso ko, kahit kailan, lumipas man ang maraming taon, hinding-hindi ko sya makakalimutan.

          Sya ang first ko.

          First best friend, first crush, first puppy love, first love, first heart break.

4663293Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon