Unang Kabanata

0 1 0
                                    

Bili na ! Bili na po kayo !
Sigaw ng isang dalagang mahihinuhang nasa edad dalawampu pa lamang.

May dala-dala itong mga perlas na hinulma para maging isang palamuti sa katawan tulad ng kwintas at bracelet na masasabi namang kapwa mas mabenta kaysa sa iba pa niyang panindang palamuti sa katawan.

Mabenta ito lalo na sa mga dayuhang nagigiliw sa kanya dahil sa kanyang pagkapositibo.

Lagi kasing nakangiti ang dalaga at lalo itong gumaganda kapag lumalabas ang malalalim nitong biloy sa mukha.

Kamusta Lina ?
"Batid kong marami ka nang benta dahil diyan sa kasiyahan na nakikita ko sa iyong mga mata". Sambit ni Lola Anita na isa na rin sa mga tumanda sa nayon na yaon. Isa sa mga kapalagayang loob ni Lina sa kanilang nayon.

"Naku po" !
"Hindi naman gaano kalakihan Lola Anita".
"Sapat lang po para makabili ako ng dalawang kilong bigas at ilang de-lata para maging aming tanghalian at hapunan ngayong araw na ito at  masasabi ko pong ayos na ayos lang ako at gayundin po sana kayo".
At hangad ko rin po na manatili ang malakas ninyong pangangatawan".

"Osya, salamat anak ! "Pagpalain ka pa sana ng Panginoon". Ako'y mauuna na muna sa iyo Lina at may pupuntahan pa ako.
Ito'y tumapik-tapik pa sa balilkat ng dalaga habang ang isa pa nitong kamay ay nakahawak sa isang tungkod na umaalalay upang makalakad ang matanda.

"Ahh, ganun ho ba. Sige po, mag-ingat kayo sa inyong paroroonan", sambit ni Linang may matamis na ngiti sa matanda.

"At gayundin ikaw", pahabol pa ng matanda bago into lumisan.

Pagkaalis ng matanda ay masaya niyang binilang ang lahat nang kanyang kinita sapagkat halos maubos ang binibenta niyang mga palamuti.

Dalawampung-lima ang lagi niyang dalang palamuti sa kanyang mumunting basket na kakatwang kasiya-siya para sa kanya sapagkat lima na lang ang natira na siya namang hindi karaniwan sapagkat nakakabenta lamang siya ng mga sampu kung gayundin namang araw.

Sa halagang limampung piso ay makakabili ka na kay Lina nang mga palamuti na siya pa mismo ang nagdisenyo na masasabi namang maganda at papatok sa masa lalo na sa mga kababaihang may hilig sa perlas.

Sa araw na iyon ay kumita siya ng halos isang libong piso na siya namang kanyang ikinagulat at ikinasaya.

Akala niya'y limang daang piso lang ang kanyang kinita para sa araw na iyon kung kaya't nasabi niya kay Lola Anita na sapat lang ang kanyang kinita para sa kanilang tanghalian at hapunan ng kanyang pamilya.

Na kanya namang hindi inaasahan sapagkat may madadagdag na ulit sa kanyang iniipong pera para sa pag-papaaral niya sa kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bottle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon