Chapter 1

29 2 1
                                    

Chapter 1


Making out


"June! Gosh! Ang taba mo na!" bulyaw agad ni Sam pagkarating ni June sa classroom namin.

Nagtawanan naman kaming apat.

"Oo nga, taba mo na, June! Hahahaha!" pagsang-ayon naman ni Pamela kay Sam habang si June ay natatawa lang na naglakad palapit sa upuang bakante sa pagitan namin ni Pamela. We were forming a small circle. "Tingnan mo nga tiyan mo, o."

"Ako, ang napansin ko talaga ay yung collarbones mo, June! Hahahaha! Nawala na!" sabi ko nang nakaupo na siya. I laughed.

Wait, bago niyo isipin na binu-bully namin tong kaibigan namin, stop! Explain muna ako. Normal na naming gawain to sa barkada namin. All four of us have really sharp tongues kase kaya grabe kami kung makapanglait sa isa't-isa. Medyo harsh nga pakinggan halos lahat ng jokes namin, eh. Pero okay na okay lang samin. Sanay na kami. At di rin naman kase namin dinadamdam mga pinagsasabi namin sa isa't-isa because even though we know the things we say are true, we also know that we mean no offense by our jokes. At natural lang talaga samin ang pagiging harsh kaya parang wala lang kami kung maka-death threat sa isa't-isa.

Right now though, I can't deny that I'm having sooo much fun! Sweet revenge! Ako kase ang pinaka-chubby samin. June and Sam are the ones who frequently tease me about my weight. Si Sam, okay lang kase chubby din siya before pero pumayat lang kase super effort niya. Imagine, two months lang kinailangan niya para pumayat. Yun nga lang, super haggard and stressed yung fes niya nung pumayat na siya. Mas bagay sa kanya yung medyo chubby pa siya. Si June yung nakakainis! Kase siya yung may pinaka-magandang katawan, maliit yung bewang niya tapos, malaki yung pwet niya. But, not anymore! Hahaha!

Honestly, noticable na she gained a few pounds but sexy pa rin naman siya. Maliit pa rin yung bewang niya, lumaki lalo yung pwet niya. Nagkabilbil lang siya, lumaki yung mga braso niya pati mukha, at di na visible ang collarbones niya. Pero sexy pa rin. And she's still undeniably the prettiest saming apat. Katuwaan lang namin ang pangangantyaw.

"Hahahaha! Oo nga noh! Nawala na talaga yung collarbones mo, June!" tatawa-tawang sabi rin ni Sam.

Tawa kami ng tawa lalo na nang nag-pose si June na para bang masakit yung tiyan niya para lumitaw yung collarbones niya, pero wala talaga! Hahaha!

"Pero ang una ko talagang napansin ay yung mga braso mo! Wahahah! Parehas na tayo!" ani Pamela.

"Hindi pa rin, Pam. Wala pa ring makakapantay sa arms mong pang-musclebuilder! Hahahah!" –ako.

"Pero tingnan niyo naman tiyan niya! June, ba't lalong lumaki!? Hahaha!" –Sam.

"Nagsuot ka pa ng white, mas naging halata tuloy yung bilbil mo!" –Ako.

"Yung tatay ko kase! Parati na raw akong nagsusuot ng black kaya nagpalit nalang ako." Nakangusong sabi ni June.

"Pero in fairness, pumuti ka ng slight." –Sam.

"Eh, paanong hindi pumuti yan? Ang OA kaya kung magtago sa araw niyan!" –Ako.

Nagtawanan na naman kami.

After nun, nag-selfie taking kami to commemorate our first day of senior year. Yep. Ga-graduate na kami ngayong March. Nagkantyawan na naman kami sa physical appearance namin. Ang taba na daw ni June, ang laki daw ng mukha ni Pamela, si Sam naman masyadong pa-camera shy, pero ako wala. Saken kase yung cellphone na ginamit para mag-selfie kaya shut up nalang sila. Perks!

Pagkatapos naming mag-selfie, nag-chika2x lang kami habang naghihintay sa professor namin. Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin. Na-bore na kami.

Together in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon