Samantha/Sam
" Samanthaaaaa!!!!". Waaah pangatlong sigaw na ni mommy yan . Haha sorry mom I still want to sleep. 5 more minutes.... Promise!!!Tapos....Waaaaaah hinala ni Dad ang kumot ko....Di ba nila alam na pagod ako sa pag aaral ha! Graduating na ako kaya PAGOD ako .. Ayyy! 1st day of school pa pala ngayon. Hihi tulog ulit.
" Sam? Wake up sleepy head. Or else..."Waaaah nakakatakot talaga si Dad huhuhu...
"Daaaad!!! Gising na po ako. Good morning Dad...Mooooom? Yuhooo I'm awakeeee!!!!" . Sabay takbo pababa mahirap na , sermon ni mom kayang kaya ko pero pag si Dad ...nah nah kilos na agad kung ayaw mong....secret...Psh. Nandito pa pala tong mga bubwit na 'to.... Hmmmp....
" Hay naku Sam Baby ko. Nakakatampo ka na. Pasalamat ka love kita. Prepare ka na baby ko, handa ko lang agahan natin ok?. " Mom ko yan... Kahit inaasar ko yan love ko yan. Ahihi ang swerte ko talaga sa Mommy ko.
" Yes, po mommy." Sabay kiss para kiligin si mommy..hahaha
" Magandang umaga po Sam! Magandang umaga!" Sabay pa talaga sila.... Psh. Sakit sa tenga talaga ang boses nang dalawang to.
"Magandang umaga din...Ooops! Oops! Wag na kayo magsalita." Pinigilan ko na bago pa magsimula ang dalawang yan...
"Sam humihilik ka daw matulog. Humihilik ka daw."Nagsisimula na naman..
"Anong?". Sasabat na sana ako nang..
"Sam humihilik, humihilik di mo alam? Di mo alam? Ha? Ha? Psh. Naunahan na naman ako nitong isa pang bubwit. Di ko sila papansinin hmmmp... *sabay irap* hihi
Masteral ata silang dalawa sa pambubwisit ng araw ko eh walang palya... Huhuhu... Next time Doctorate na sila...
Ay Oo nga pala hihi di ko pa nasasabi sa inyo . Yang dalawang pa ulit ulit magsalita sina Saff-Saff at Raff-Raff yun . Mga gnomes sila, sila ang salot sa buhay ko at di kami normal na tao. Pero dito kami sa Human World nakatira. Bakit? Aba malay ko kay Mom and Dad. Sabi ni Dad makakapunta lang daw ako dun sa mundong kinabibilangan namin kapag natutunan ko na lahat. Psh. Ang dami dami nya kayang tinuturo...
"Hoy! Sam maligo kana. Maligo kana!" . Nangunguna na naman tong Raff-Raff nato psh. Kitang nag momoment pa ako eh...
"Oo nga Sam! Oo nga". Hmmmp mga panira nang araw.
"Oo na maliligo na ako. Kaya dun na kayo... Huwag niyo na ako kulitin. Ok?" Sabay talikod para mas effective.
"Ok Sam! Pupunta na kami sa kusina. Pupunta na kami. "
Yeees!!! Yeess!! Wahaha umalis din ang dalawang yun... Iiiiihhh 1st day of school na naman ngayon kaya excited ako.
~~~Ligo~~bihis~~kuha gamit~~~
"Baby, come let's eat. Hon, paabot mo naman ang ulam sa baby natin". Iiiiihhhh sweet talaga ng mommy ko.. Syempre nag iisang anak nila ako at napakaganda pa. Inabot naman sakin ni Dad syempre utos ni mommy eh .Takot ako kay Dad pero takot si Dad kay Mom kaya patas lang kami.haha
"Thanks. Dad ! ". Yum-yum-yum.....ang shaaaaraaap talaga magluto ni Mommy. Buti nalang wala dito ang dalawang kabuti na yun....
~~~kain~~~kain~~~kain~~~kain~~~
Pagkatapos namin kumain , nagpaalam na kami ni Dad kay Mom. Sumasabay kasi ako kay Dad pag pumapasok siya madadaan lang kasi namin ang school ko eh. Syempre habang nasa byahe pinag uusapan namin ni Dad ang tungkol sa training ko. Oo training, yan yung sinasabi ko na pag natutunan ko para makapunta ako dun sa mundong sinasabi ni Dad at Mom.Maya maya pa eh nag park na si Dad. Nasa harap na pala kami nang school.
YOU ARE READING
Zerenea's Realm
FantasyBasahin nyo nLang.. I don't how to describe it. One thing is for sure... It's a FANTASY Baby hahaha