Chapter 3 - Stalking

12 0 0
                                    

Kathryn P.O.V.

  Andito kami ngayon sa Ice Cream Parlor na sinasabi ni Gab.  
"Get all you want it's all free" sabi ni Ryle.

"Bakit?"Sabay namin tanong ng mga girls.

"Ysa, kami kasing may ari ng Ice cream parlor na ito." sagot ni Ryle

Kaya ayun napa-Wow kami.

Kinuha kong flavor ay Chocolate-Vanila-Strawberry. Etong ice cream ay confort food ko pag pagod o kaya pag may problema.

"Ysa, hindi pa din nag babago ang favorite flavor mo ng ice cream." sabi ni Gab.

"Ant naman eh!"

"Favorite flavor mo yan?" tanong ni Bry.

"Oo, bakit?"

"Ah, Wala. May naalala lang ako."

"Sino?" curious lang.

"Sino pa ba. edi si Mikaela." sabi ni Max habang natatawa

"Sino si Mikaela?" tanong ni Diane

"Ex ni Bry." sabi ni Ryle

"May girlfriend ka na?"

"Noon. Kaso iniwan niya ako eh." malungkot na sinabi ni Bry

"Sorry."

"Wala ka dapat ika-sorry. Wala ka namang kasalanan eh."

Kumain na lang kami ng Ice Cream.

"Gab, ikaw may girlfriend ka na?" tanong ni Carol

"Naku! Never pang girlfriend si Kuya. Weak kasi" sabi ni Gabby

"GABBY!" sabi ni Gab

"Bakit twinnie? Totoo naman sinabi ko ah." tapos bumelat si Gabby kay Gab

"HAHAHAHA! Wala ka pala sa kambal mo, Gab." sabi ng mga lalaki kaya ayun umirap si Gab

Natawa na lang kaming lahat

"Eh ikaw, Ysa, nagkaboyfriend ka na?" Tanong ni Max kaya ayun lahat ng atensyon na baling sa akin.

"Sa mukha kong ito. Walang magkakagusto sa akin."

Loving Him SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon