Yung bestfriend mo (One Shot)

1.9K 75 19
                                    

Andito lang naman kasi ako e, iniintay na mapansin mo.

  ~*~  

"Ui Jay! Ano kasi may pabor sana akong hihingin sayo, kung pwede nga lang. Ok ba bestfriend?" Tanong mo sakin, yung bestfriend mo.

"Oh Shay, Ge ba! Ano yun?" Alam ko namang hihingi ka ng tulong para makalapit sa tropa ko. Yung gusto mo.  

"E ano kasi-- Si Gab, di-diba close mo yun?" Ayan ka nanaman palagi nalang, pumupunta ka lang sakin  para humingi ng tulong kasi ako, yung bestfriend mo.  

"Ah e, Oo bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ko sayo na hindi makatingin sa yong mga matae kasi ako lang naman, yung bestfriend mo.

Na hanggang bestfriend nalang, yung laging hinihingan ng pabor, yung laging shoulder-to-cry-on pero hinding hindi pwedeng mahulog.  

"Pwede bang ilapit mo ko sa kanya? Uy bestfriend naman diba kita?" Sabi ko nga hanggang dun lang ako, yung bestfriend mo.  

"Ah O-o naman, bestfriend nga diba? ha-ha"   

Gusto ko nalang  magkunwari na masaya kasi syempre para di ka mahalata, baka pagnahalata mo pati pagbigkas ko ng 'Yung bestfriend mo' hindi ko pa magagawa, kasi nga bawal mahulog, kasi dapat maging matibay para sayo para sa nararamdaman mo, kasi eto lagi ako dapat andyan lagi para sayo, yung bestfriend mo.  

Hanggang kailan pa ba ako magiging 'Yung bestfriend mo' Ni wala na ba akong pagkakataon para maging 'Yung Gusto mo' ?  

-

Dumating ang ilang araw, at ayun dahil ako yung bestfriend mo, pinanindigan ko ang mga sinabi ko para sa nararamdaman mo nilakad kita kay Gab kahit masakit. Lalo na nga atang lumala kasi unting unti ng nahuhulog ka sa kanya kala ko dati gusto mo lang nagyon mahal mo na pala. At heto si Gab, nahuhulog nadin sayo.  

Pano pa kaya ako? Yung bestfriend mo.    

"Uyyyy bestfriiend! Salamat ah, dahil sa panglalakad mo naging close kami. Mahal na mahal talaga kita." Niyakap mo pa ako nun, sobrang saya mong lumapit ka sakin "Mahal na mahal talaga kita ............................ bestfriend" E bat ko nga ba kakalimutan? E ako nga lang pala, yung bestfriend mo.

Lumipas ang ilang araw at nabalitaan ko naging kayo na halos magunaw na nga ang mundo ko nung sinabi mong,  

"Bestfriiiend! Kami na, grabe salamat talaga ha may utang na loob ako sayo! Kahit ano ibibigay ko ha, salamat!" Sabi mo sakin sabay takbo papaalis, pupuntahan mo kasi si Gab kasi sabi mo sakin may date kayo.  

Pwede bang yung utang na loob na yun e bayaran mo ng pagmamahal mo? Kahit isang araw lang. Kahit wag mo muna akong ituring na 'Yung bestfriend mo'    

-

Dumaan ang ilang linggo na hindi kita nakakasama, pero isang araw lumapit ka sakin na naging sanhi para sumobrang sakit ang kirot s apuso ko. Umiiyak ka, para tuloy gumuho ang mundo ko.

"Bestfriend *huk bakit ganun? *huk"  Tang'na naman bakit ka umiiyak? Dahil ba kay Gab, Shay ako nalang kasi ako nalang.  

"Oh, bakit ka umiiyak? Sinong may gawa, Tang'na" Napamura nalang ako sa sobrang inis, ayaw kitang makitang ganito yung parang gumuho yung buong buhay mo, yung mga mata mong masasaya na nawalan ng sigla yung mga pisngi mong mapula pula na ngayo'y namumutla na, Ayoko! Ayoko, kahit na ako lang, yung bestfriend mo.  

"E kasi naman *huk ang unfair ng mundo, ayun na kasi e mahal na namin yung isat isa tapos lalamig siya? *huk bakit ganun, bakit kung sino pa yung mahal ko siya pa yung nawawala?" Sabi niya habang nagasubsob ang ulo sa balikat ko.  

E bakit kung sino ang mahal ko siya pa yung hindi ko makuha? Shay, kasi andito lang ako!                                   . Yung bestfriend mo.  

"Shhhh, hayaan mo na muna, shhh. Don't cry andito lang ako.......... ah e" sabay kamot ko sa ulo "Yung be-bestfriend mo, Oo! kaya shhh. Wag kana umiyak." Pagpapaamo ko sa kanya na hindi ko namalayan na nakatulog na siya sa balikat ko.  

Shay Fuentez, Daming kulang sayo bukod sa apelido ko pati buong pagkatao mo. Gawa gawa ka kasi ng desisyon agad alam mo namang madami pa diyang naghihintay, kahit na yung bestfriend mo, umaasa parin. Shay kasi dapat sigurado ka. Sigurado ka na walang masasaktan kasi makakaya mo ba na habang nagpapakasaya ka sa desisyun mo may taong lumuluha na dahil sayo?  

Gusto ko sabihin yan sayo kaso, ako to, Ako lang to 'Yung bestfriend mo'

Shay pag iniwan ka niya sakin ka pupunta ha?    

Lumipas ang ilang buwan pagkatapos ang pangyayari na umiiyak ka sa balikat ko nung malaman kong nagkabalikan kayo, ang dali nga talaga ng panahon nung andito ka lang sa tabi ko na isang kamay lang ang layo ngayon hindi na kita maabot abot. Ang layo mo na.  

Pero isang umaga na nasa park ako nakita ko kayong dal'wa masaya at bumalik na ang tunay na sigla sayong mga mata, ang saya mo. Sayang hindi ko na ata maibibigay o malalamangan pa sayo.  

Napatingin ka sa gawi ko at nakita mo ko, gusto ko sanag umiwas pero tumakbo ka papaunta sakin at sinabi mong.  

"Bestfriend, Masaya ako, dahil sayo. Salamat sayo ha, salamat dahil andyan ka, salamat dahil andito ka para suportahan ako. Hayaan mo bestfriend mahal parin kita, may parte ka sa puso ko. Kaya wag kang malulungkot ha? Makakahanap ka din jan ng iba, smile ka na lagi ah kahit konti lang." Sabi mo sakin sabay tap sa noo ko, tumakbo ka at hinawakan ang kamay ng mahal na mahal mo.  

Sa lahat ng pinagdaan ko, masarap isipin na hindi ka niya iiwan.. At bukod dun ang sabihin mong "Masaya ako, dahil sayo." galing sa bibig niya, alam mong tama na pinaglaban mo siya.  

Kahit ikaw lang, 'Yung bestfriend niya'

All right reserved

ymchic l 2k13

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yung bestfriend mo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon