One shot

40 1 0
                                    

*Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko.. Magbago man ang hugis ng puso mo.*

Tuwing napapanood ko talaga yung commercial ng mcdo, Naaalala ko lahat. Hays.

Flashback.

"Lei, stop crying. Meron pang lalaki na mas better sakin." Edwin said.

"Pakyu! talagang meron!" Sigaw ko sa kanya sabay sapak sa gwapo niyang muka. Tapos nag walk out na ko.

OO. SAPAK TALAGA. DI AKO NANAMPAL SORRY.

Anak naman kasi ng green na tinapa eh. Kung kailan 1 year and 5 months na kami ni Edwin saka siya nagloko.

Same school kami. Actually, Magkatabi lang room namin. To make the story short, Pinagpalit niya ko sa classmate niya.

Punyeta. Alam kong di ako ganun ka sexy. Alam kong may pagkachubby ako. Pero konti lang. Pero bwiset lang.
Kainis talaga. Wow. Just wow. Pakyu sila pareho.

Halos isang taon na din nung nang nangyari yun. Ewan, Pero hindi naman na ko nasasaktan. Basta naaalala ko lang yung eksena namin na yun dahil sa commercial ng Mcdo.

Tinuloy ko na yung lakad ko. By the way, Nasa SM pala ako. Kakagaling ko lang sa school. May binili lang ako sa NBS.

*kru kru* (Tiyan ko yan) Haha.

Tomguts na ang lola niyo :3 Fine. Sige. Dadaan na ko ng Mcdo.

Yung Mcdo dito sa SM san mateo, Maliit lang. Yung desserts at fries lang ang pwedeng orderin. Tapos may 5 tables lang.

Pagpasok ko, Hinanap ko kaagad yung favorite table namin ni Edwin.

Oo, Lagi kaming tambay dito ni Edwin. Kilala na nga kami ng crews.

Hays. May nakaupo na pala. Wait--

"Shocks. Si Edwin ba yun?" Mahinang sabi ko sa sarili ko. Nakatalikod kasi siya kaya di ko makita. Pero sure ako. Si Edwin yun.

Nakita ko si Ghiela na lumapit kay Edwin. Siya yung pinalit niya sakin.

"Babe, Eto na oh. Libre ko na lahat yan." Sabi niya kay Edwin.

PANGET NIYO. PWE. WALANG FOREVER TANGA!

INUULIT KO, WALANG FOREVER!

Habang titig na titig ako sa kanila, Di ko alam na ako na pala yung oorder.

"Hi ma'am. Can i get your order?"

Ayy. Wala na si Ate Carla? Bago na yung mga crews. Grabe. Sobrang tagal ko na palang di pumupunta dito.

"Sundae and fries."

Umupo ako dun sa madali akong makikita ni Edwin.

At tagumpay ang lola niyo! Nakita niya ko. Hahaha.

Muka niya ganto. O_____________O

Iniwan mo ko, Pwes maglaway ka ngayon. Charot. Hahahaha.

"Hi miss. Pwedeng maki upo?" Sabi nung isang lalaki. Tapos umupo na siya sa harap ko.

Makakasagot pa ba ko? Umupo na siya eh.

Habang nag cecellphone ako, Di ko maiwasang tingnan yung kaharap ko.

Shet. Napakagwapong nilalang naman nito.

Tinititigan ko siya ng bigla siyang tumingin sakin.

Pakshet. Kahiya. Nahuli niya ko.

"Ahmmm, Miss pwede bang makitext?"

Tapos tinuro ko yung sarili ko.

Tanga mo Lei. Malamang sayo makikitext yan. Sorry, may 1/4 talaga akong pagkatanga minsan.

"Oo sana. Kung ayos lang?"

Nag nod nalang ako tapos binigay sa kanya yung phone ko.

Nakita ko namang tumayo si Edwin mula sa kinauupuan niya. Tapos papunta sa...

Papunta sa ..

Samin? Shet.

"Uy Lei. Congrats ha. Sana magtagal kayo." Sabi niya sabay smile. Tapos nag wave na habang naglalakad paalis.

Ha? Ano daw? Ayaw mag sink in sa utak ko.

"Uy, Salamat ha. Eto na phone mo." Sabi niya tapos umalis na.

At dahil chismosa ako, Tiningnan ko yung inbox.

Tinext niya si.. Si EDWIN?!

Bro. Tigilan mo kakatingin sa Girlfriend ko. Lakas ng loob mong iwan siya dati. Akin na siya ngayon Edwin.

Huh?

Pagtapos ng pangyayaring yun, may malaking tanong sa sarili ko.

Sino yung lalaking yun? Anong papel niya sa buhay ko? Bakit kilala niya si Edwin?

Tapos nag beep yung phone ko. Number lang. Hindi naka register.

Hi :) Sorry sa tinext ko. Cute mo kumain. May ice cream ka pa sa ibabaw ng lips mo.

Tapos kinuwa ko yung pocket mirror ko. Shocks. Meron nga. Kahiya.

-----------------------------------------------

THREE YEARS NA KAMI NI KLEIN NGAYON. DI KO ALAM NA SA MCDO KO MAKIKITA YUNG FOREVER KO. AND YES, MAY FOREVER. MATAGAL NA PALA NIYA KONG KILALA. NAKA MOVE ON NA KO KAY EDWIN. BREAK NA NGA SILA NI GHIELA. SIGURO, MAHAHANAP NIYA RIN YUNG FOREVER NIYA. GOODLUCK SA KANYA. KASI AKO, SOBRANG SAYA NA SA KUNG SINO ANG NASAKEN NGAYON <3


Salamat sa pagbabasa :)

My Mcdo Commercial Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon