Chapter 1: first day of class!!!

49 6 0
                                    

<Erika's POV>

Nandito ako papasok ng room ko. Hindi na ako nahihiya kasi di naman ako new student dito. Sila ang dapat mahiya saken. Haha XD

Meron siyempre na din akong kaibigan dito. Lima sila at dalawang tao lang talaga ang super mega  ultra close friend ko dito. Yung tatlo kasi, sa school ko lang nakakasama. Pero yung dalawa, lagi. Magkapit bahay lang naman kasi kami eh..

Sila ang nagligtas saken, ang pamilya nila. They're RICH. Dapat nga sa mga mansion nila ako titira, kaso nga lang, nakakahiya naman saken no. Sila na nga ang nagligtas saken, sila pa ang magkukupkop saken? Wow. Kapal naman ng pagmumukha ko nun.

May hiya din naman ako. Kaya eto ako ngayon, nangungupahan sa isang apartment, at dahil sa angking kabaitan ng magulang ng mga kaibigan ko eh pinatira na din sila sa tabi ng apartment na inuupahan ko para meron naman akong bodyguard na poprotekta sa mga masasamang luob. Actually sila lang ang nakatira doon sa malaki nilang bahay.. Kasi katulad na nga rin ng sinabi ko kanina, di kaya ng pride ko. Di ko alam, pero ganun ako.. ganun ako lumaki.

"hello Alda, Freya, Tina!!! ^^" bati ko sa kanila at umupo na ako sa may bandang likod. Ayaw ko kasi sa unahan eh. Baka mamaya... ako pa matawag ng teacher.

Hassle lang pag ganon.

"Hello! ^^" bati saken nila Alda, Freya, at Tina pabalik 

"Erika. Sama ka ba mamaya samen?" tanong saken ni Tina with wide smile. Mukhang excited siya sa gagawin nila mamaya

-__- May nararamdaman nanaman akong kakaiba dito. Promise

"Saan?" tanong ko

"Edi siyempre! Alam mo na! :)) Hunting tayo ng chicks!!! ^_____^" sagot ni Freya saken na may malapad din na ngiti. Pshh~ Sabi ko na nga ba eh. Puro chicks nasa utak ng mga 'to. Mamaya kuyugin ng boyfriend niyo yung chicks na bibiktimahin niyo mamaya. Tsk. Kawawa naman.

"ahh. Sorry, kasi may gagawin ako mamaya eh. Sorry talaga" palusot ko. Eh ayaw ko kasi naman talaga ng mga lalaki eh. Stick to one lang talaga ako. ^^

Si Aldean. Siya yung crush ko. OO crush ko pa lang, hindi pala. Love na pala. hihi. 

Hindi pa kami. OO MASAKLAP YON NA KATOTOHANAN.

I want him sooo bad T___T

Pero ok na yun! Kasi magkaklase nanaman kami eh! ^^. Ka section ko siya ngayon, ganon na din ang lima kong kaibigan.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at nagplug ako ng earphones. Boring kasi eh. I need to atleast kill my boredom.

"ERIKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

*BOOGSH!!*

"aww! T____T" napahawak ako sa may bandang ulo ko na natama sa mesa. Ansakit nun, humanda ka lang talaga saken. Grr.. kilala kita!!

SHEEN NAMAN!!!

"Sheen naman eh! T__T Ansakit ng ginawa mo saken. Show some manners. Kahit papaano ay mas matanda pa rin ako sa'yo no. Accelerated ka lang ng dalawang taon! Kaya magkasing year tayo." mahabang daldal ko sa kanya

"ERIKA!! AYMISHHYUUU!!!" - Sheen sabay yakap saken.  ang sweet niya talaga.. Miss niya na ako kahit kanina lang kami nagkita. at dahil diyan di na ako galit sa kanya sa pagkakabunggo niya saken

"Oh? Ba't di mo kasabay si Cindy?" tanong ko kay Sheen

"Eh kasi sabi niya mauna na daw ako tapos ikamusta ko daw ikaw tapos may pupuntahan pa kasi siya. Di ko alam eh, pero may kasamang iba. Tapos tapos... T___T Baka palitan na niya tayo... UWAAA" tarantang sabi ni Sheen. Hay kahit kailan talaga. Bata pa rin mag-isip! Haha

1 Month's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon