***
Drew's POV
Lumabas na kami sa village . Malaki ang village na ito it's like a big city but, people living there are all gangsters . Kaya tinatawag nila itong Village Of Gangsters . Wala ng namamahala nito I mean , hindi usu ang gobyerno dito kaya lahat na nakatira dito ay may sariling teritoryo.
Kaya pag may nagbabarilan o may nagpapatayan ay di na kami magugulat . Pero sakin lang sila takot at sa gang namin remember , I'm their king . Hindi naman sa nagyayabang ako yun kasi ang totoo .
***
Malayo na din kami sa village.
" ba't ganito ang gubat na ito ? Ang subrang sukal ! Ito na ata ang pinakamasukal na gubat na daanan ko tsk " reklamo ni jess at tama naman siya ang subrang sukal nga talaga ng gubat na ito .
" ang arte-arte mo naman, jess ! Eh , palagi naman tayong dumadaan dito ah ! " sinamaan lang siya ng tingin ni jess kaya napangiti na lang kami sa kanila .
"a-aaaarrraayy" sigaw ni jacob pano ba naman sinakal siya paitaas ni jess na halos hindi na siya nakaapak sa lupa . Parang di babae si jess , ang lakas niya .
" hahaha ang lakas mo talaga jess "
" oo nga . Hahaha " sabi naman nina John at Jan , kambal sila . Sinamaan lang din sila ng tingin ni jess kaya natakot naman silang dalawa .
" hehe joke lang ^_^V " sabay sabi ng kambal .
" tama na yan. Magpatuloy na tayo sa paglakad baka kasi gabihin tayo " kaya binaba na ni jess si jacob . Nagbuntung- hininga naman si jacob habang hawak-hawak niya ang leeg niya .
Nagpatuloy na kami sa paglakad .
Habang naglalakad kami may naririnig akong mga kaluskos pero di ko nalang pinapansin kasi baka kami lang yun .
Pero parang hindi lang kami ang andito sa gubat . Kasi habang naglalakad kami lumalakas yung kaluskos.
" wala ba kayong naririning ?" tanong ko sa kanila baka kasi guni-guni ko lang yun.
" wala naman ?" halos sabay nilang sagot .
Kaya kinuha ko na lang yung twin gun ko sa likod ko malakas kasi talaga ang kutob ko na may sumusunod samin .
Naghand-sign naman ako ng 'tumabi muna kayo' at na gets naman nila ito kasi tumabi nga sila . Ipu-pull ko na sana ang trigger ko dun sa direksyon na may kaluskos akong naririnig pero ..."bakit drew ?" tanong naman ni jess
Nahalata siguro nila kung bakit nag-iba ang expression ng mukha ko at sa di ko tinuloy na pagpull ng trigger ng baril ko. Kasi naman bat niya kami sinusundan ? Tsk siya nga...
***
At sa wakas nakalabas din kami sa gubat na iyon.
" oy! Umalis ka na sa balikat ni drew " sabi naman agad ni jess kay Cindy nung nakalabas na kami sa gubat.
"oo nga , may lahi ba kayong tarsier?" -jan
" wala kayong paki! Diba drew?" sabay pacute niya sakin . Tumangu-tango nalang ako bilang sagot sa tanong ni Cindy wala akong magawa kasi anak siya nina Papa Vic at Mama Helen. Pero tinuturing ko naman siya na kapatid ko, parang tunay na kapatid.
" ba't sinundan mo pa kami, cind?" tanong ko sa kanya. Nagpout naman agad siya.
"ayaw mo bang andito ako ?" salita niya habang nakapout pa rin.
" ha? Di noh! Hehe. Masaya nga ako na andito ka ."
Mabuti na lang at di ko siya na baril kanina.
¦FLASHBACK¦
Ipu-pull ko na sana yung trigger ng baril ko pero parang may mali eh.
May naamoy ako ... Pabango nga niya yun.
"bakit drew ?" tanong ni jess nung nahalata niya na nag-iba ang expression ng mukha ko.
" Ci-cindy ? Ikaw ba yan ?" sigaw ko pero hindi siya sumagot.
" si cindy ? Na naman ! Hoy! Lumabas ka na diyan kung ayaw m... " di na natuloy ni jess ang sasabihin niya pano ba naman tinakpan agad ni jacob ang bunganga niya. Baka kasi kung ano pa ang masabi ni jess kay Cindy.
May narinig na naman akong kaluskos sa gilid namin .
" Cindy , alam kong ikaw yan kaya lumab... " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi pagkasabi ko nun lumabas agad at tumakbo si Cindy papunta sakin. At yinakap niya ako ng mahigpit.
¦END OF FLASHBACK¦
Kaya nung nakalabas na kami sa gubat ay nakayakap pa rin siya sakin.
Habang naglalakad kami , lahat ng tao ay samin nakatingin. Ewan ko nga kung bakit? Tapos kapag may makakasalubong kami agad silang yumuyuko at binibilisan ang paglakad.
" mukha ba tayong multo?" tanong naman ni Cindy sabay kuha niya ng kanyang parang maliit na salamin at tinignan-tignan niya dun yung mukha niya.
" ikaw ? Oo " bulong ni jess pero narinig ko pa rin. At parang di naman narinig iyon ni Cindy.
"anong sabi mo?" di niya nga narinig.
"bilisan niyo na at pagabi na" sabi ko sa kanila at binilisan na namin ang paglakad .
" sino sila ?" sabi nung babaeng matanda.
"baka sila yung mga *****" di ko narinig yung huling sinabi nung isang matandang babae dahil binulong niya iyon sa isa pang matandang babae.
"baka nga" nung tinignan ko sila ay parang natakot sila at pumasok agad sila sa kanilang mga bahay.
May mali dito...
#SECONDUPDATE
#UPDATED