Chapter 3

68 5 1
                                    

Drew's POV

Hindi na namin pinansin ang mga reaksyon ng mga tao dito at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

" malayo pa ba ? "

" malapit na lang "

Si Jacob na ang sumagot sa tanong ni Jess na kanina pa nagtatanong 'kung malapit na ba'.

***

" Hay ! salamat at andito na tayo. " sabi agad ni jess nung nakarating na kami sa simbahan, oo simbahan madami daw kasi ditong holy water.

"hanapin na natin si Father" dugtong pa ni Jess. Pasensya, di ko kasi alam na may simbahan, father... Ang alam ko lang ay may diyos at naniniwala ako/kami na may diyos.

" swerte naman natin at walang tao dito ngayon sa simbahan " sabay tanggal ni Cindy ng kamay niya sa braso ko na kanina pa nakapulupot. Pumasok na kami agad dun at hinanap namin yung Father daw ng simbahang ito.

Nahanap naman namin agad si Father at sina jacob na ang kumausap sa kanya.

" libre na lang daw yung holy water madami naman daw kasi silang holy water dito . " tumangu tango na lang kami sa sinabi ni Jacob. Bibilhin kasi dapat namin yung mga holy water.

Sinundan naman namin agad si Jacob nung tumalikod siya samin at naglakad papunta sa likod ng simbahan. Pagdating namin doon sa likod ng simbahan ay nalagay na ang mga holy water sa mga galon. Sampung galon lahat.

" Father, may nangyari bang masama dito sa bayan ninyo ? " tanong ko kay father. At parang namutla naman ito.

"a-ah... Bakit mo naman na-naitanong?" yumuko agad si Father at may mga luhang pumatak sa mga mata niya.

"hala! Drew! Anong ginawa mo kay father!"

"ba't mo pinaiyak si father, Drew" di ko nalang pinansin ang kambal. Pinunasan naman agad ni Father ang mga luha niya.

" pumasok na tayo, dun ko nalang ikuwento sa loob." pagkasabi nun ni Father ay naglakad na kaming lahat papasok sa simbahan.

***

" Marami na din'g panahon ang lumipas nung nag digmaan  ang tao at bampira. Siguro'y 10-11 years na ang nakakalipas. Ang akala ng lahat ay ubos na ang mga lahi nila, dahil natalo ng mga tao ang mga bampira pero hindi pa pala.

Nung nakaraang buwan ay may nawala dito sa bayan namin at akala namin ay nawala lang talaga siya pero hindi, dahil sunud-sunod na ang nawawala dito at nagtaka naman kami kung bakit. Nung isang linggo nagulat ako kung bakit ang daming tao ang kumakatok sa pinto ng simbahan . Eh kakatapos lang nung mass at sinasara  talaga ang pinto ng simbahan. Nung papalapit ako sa pinto ay nagsisigawan at umiiyak sila, nang binuksan ko...*sob.sob*" tinapik ko naman ang likod ni Father dahil hindi ko alam kung paano siya icomfort. At nagpatuloy na siya sa pagkuwento kahit na may mga luha na umaagos mula sa mga mata niya.

" Nang binuksan ko ang pinto ng simbahan... Ang daming nakahandusay sa lupa, yung iba hindi na gumagalaw, yung iba sugatan at yung iba ay buhat-buhat ng mga bampira. Lumaban yung iba pero nasawi lang sila."

" Ang ibig mong sabihin Father... HINDI NASUSUNOG ANG MGA BAMPIRA SA INIT NG ARAW? " Tanong ni Jess kay Father na dilat na dilat ang mga mata na akala mo 'y nakakita ng multo.

Tumangu-tango lang si Father bilang sagot sa tanong ni Jess.

" Ang mga bampira ay hindi ordinaryong tao, Drew. Sila ay malalakas, may mga pangil, mabilis kumilos, may mapupulang mata, may mapuputing kutis na parang kulay snow  at takot sila sa araw. Kahinaan nila yun pati narin yung holy water.  "  naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Papa Vic noon tungkol sa mga bampira.

" WOW! nag upgrade na ang mga bampira di na sila takot sa araw. " sabi naman ni Jess na parang manghang - mangha sa bagong kakayahan ng mga bampira.

" Palagay ko limitado lang ang kakayahan nilang yun, dahil nung sumalakay sila dito ay parang nanghihina sila pag masyadong matagal na sila sa ilalim ng araw. " pagkasabi nun ni Father ay nakahinga  kami agad ng maluwag.

Pero wait... 10-11 years ang nakalipas?
Nandun din kaya sila mama at papa nung nag digmaan ang tao at bampira? Nilabanan din kaya nila ang mga bampira? Namatay ba sila dahil sa digmaang iyon?

***

#THIRDUPDATE
#UPDATED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VAMPIRES VS. GANGSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon