Abby-41

10.8K 331 6
                                    

2:05 am

Abby: Beshie naman e. Niloloko mo ako!

Elle: Anong niloloko kita? Binasa mo na ba?!

Abby: Wala naman e!

Elle: Huh?

Abby: Wala siyang latest post. Last week pa itong status niya.

Elle: Ala beshie maniwala ka sa akin! Meron siyang status 5 minutes ago.

Abby: E, sa wala nga!

Elle is typing...

Abby: Nakatambay ako ngayon sa timeline niya kaya sigurado akong wala!

Elle: Baka naman naka-except ka?

Abby: Huh? 'Di kita gets beshie.

Elle: Baka nga beshie! Baka ayaw niyang malaman mo 'yung tungkol sa status niya.

Abby: Ano ba kasi talagang meron sa status niya?

Elle: Try mong mag-online sa RA mo. Sigurado ako na makikita mo doon 'yung post niya.

Abby: Sabihin mo na lang kasi!

Elle: Mas maganda kung ikaw mismo ang makakabasa! ;)

Abby: Pauwi pa lang ako sa bahay. Wala pa sa akin 'yung isa kong cellphone.

Elle: E 'di mag-logout ka muna diyan sa dummy mo. I-login mo muna diyan 'yung RA mo.

Abby: Nakalimutan mo na ba? Mahirap mag-login dito sa extra phone ko kapag nag-logout ako.

Elle: Haist! Ang hirap kasi sa'yo beshie. Dalawa nga ang phone mo 'di naman mapakinabangan ng ayos!

Abby: Kung sinasabi mo na lang kasi sa akin kung tungkol saan 'yang nabasa mo!

Elle: Tungkol iyon sa bago niyang operation.

Abby: Anong operation? Kailan pa naging doctor ang bebeh ko? Engineering ang course natin 'di ba? Nag-shift na ba siya?!

Elle: Alam mo beshie, ang tali-talino mo naman sa klase pero madalas ang tanga mong kausap! To cut my long story short, inaalam na ng buong barkada nila Xavier kung sino ba talaga si Abby The Stalker. May operation silang ginagawa ngayon at tinatawag nila iyong, "Finding Abby"

Abby The Stalker and Xavier The SeenlordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon