7th Wave

210 16 0
                                    

7th Wave

DUSTIN PERALTA'S POV

"How could you do this to me, Claire? I lost the chance of getting the Rainsville Resort back because of you!" I said while clenching my hands.

She did not respond. Nakayuko lang sya.

"I know na mali 'yung paraan kong mabawi 'yun but if there's someone who will understand me for being so desperate, it should be you dahil ikaw ang bestfriend ko!"

Hindi pa rin sya sumagot. Tahimik lang sya. Alam kong wala nang patutunguhan 'to dahil pagalitan o awayin ko pa sya ngayon, hindi na nya mababawi 'yung ginawa nya. Alam na ni Daffodil ang lahat. Tinalikuran ko na lang sya at handa nang bumalik sa hotel room ko.

"I'm so sorry, Dustin." She said through trembling voice. "Ginawa ko 'yun dahil hindi ko kayang mapunta ka sa iba. I love you, Dustin."

Natigilan ako. I didn't know how to respond to what she said.

"Remember what I said when we were young? Totoo 'yun."

DAFFODIL ORTEGA'S POV

Weeks have passed and I'm very happy na nandito na ko sa Maynila. Nung pinakita sa akin ni Claire 'yung copy ng contract ni Dad at Dustin, nag-decide ako na umuwi na lang. That was the worst summer vacation ever!

I was hired as operations manager dito sa isang BPO company na pag-aari ni Daddy. Paakyat kami ngayon kasama ng iba pang managers at team leaders sa executive office dahil ipapakilala sa amin ang bago naming Site Director.

Naupo kami sa couch habang hinihintay 'yung mga big bosses kasama nga ng newly hired na site director. After a couple of minutes ay dumating na sila and it blew me away nang makita kong kasama nila ang gold-digger na si Dustin Peralta.

Nagsalubong ang mga kilay ko. What the hell is he doing here?

Nagtama ang mga mata namin. Binigyan ko sya ng matatalim na tingin at kung nakakasakit lang ang mga tingin kong 'to, malamang ay patay na sya.

Isa-isang nagsalita ang mga big bosses. Pinakilala rin nila ako bilang bagong hire na Operations Manager pati na rin ang mga newly promoted na team leaders. If you're an employee who wants to grow, this company is definitely the perfect place for you.

"I am Dustin Peralta and I'll be your new Site Director."

Nagpalakpakan ang lahat.

This is insane! Sya ang magiging boss ko for the rest of my life? Unless kung magreresign ako.

After an hour ay natapos din ang meeting. Tatayo na sana ako kaya lang biglang nahulog sa sahig 'yung ballpen ko.

Yumuko ako pero bago ko pa man pulutin 'yun ay may gumawa na para sa akin. Napatingin ako sa kanya. It was Dustin. Inabot nya sa akin 'yung ballpen. Kinuha ko while rolling my eyes on him.

"I'm so excited to work with you, Ms. Ortega."

"I'm not!"

"Is that how you speak to your boss?"

Pinanliitan ko sya ng mata. Buti na lang kamo at dalawa na lang kaming nandito. Humarap ako sa kanya.

Lost In The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon