Genesis---
"Genesis!" Pagtawag sa akin ni Chok.
Andito kami ni Jesse sa mini park at hinihintay si Lorraine, subalit iba ang inasahan namin na dumating. Paalis na sana kami ni Jesse dahil nakita ko si Chok na papunta dito sa mini park at tinawag na nga niya ako. Hindi ko ito nilingon at minabuti ko pa din umalis. Panay naman ang pagpigil sa akin ni Jesse, subalit nagpumiglas ako at mabilis na umalis.
"Genesis sandali!" Muling sigaw ni Chok.
Hindi ko ito nilingon at tuloy tuloy pa din ako sa aking paglalakad. Sinabihan niya akong umiwas sa kanya kaya naman ito ang aking ginagawa. Akala ko makakatakas ako dito, pero naramdaman ko na lang ang paghawak nito sa akin braso...
"Hoy ano ba? Tinatawag kita hindi ka man lang lumingon." Sabi ni Chok na tila hinahabol ang paghinga. "Pinagod mo pa akong habulin ka." Dugtong pa nito.
"Bakit?" Tanong ko dito habang nananatiling nakatalikod.
"Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap?" Balik tanong naman ni Chok.
Napapikit ako at huminga ng malalim saka siya hinarap...
"Ayan, nakaharap na ako. Anong kailangan mo?" Sabi ko dito.
"Ah...eh...gusto ko lang isoli 'to sa'yo. Nakita ko kasi ito sa cafeteria kahapon." Sabi nito sa akin habang kinakamot ang batok niya at iniabot nito sa akin ang aking notebook.
Hindi ko maiwasang kiligin sa cute niyang itsura, pero agad ko itong iwinaksi sa aking isipan nang maalala kong ayaw ako nitong nakikita.
"Ah ganon ba? Salamat." sabi ko. "Sige ha, mauna na ako." Pagpapaalam ko dito.
"Sandali Genesis, pwede ba tayo mag-usap?" pag-pigil sa akin ni Chok.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Tanong ko dito.
Huminga siya ng malalim at saka ngumiti. Sa mga oras na iyon ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko ng sa wakas ay masilayan ko ang pag-ngiti nito sa aking harapan.
"Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nagawa ko sa'yo." Sabi nito sa akin.
"Ah...yun lang ba? Wala yun. Okay na ako." sabi ko dito at saka tumalikod at akma na sanang aalis ng muli niya akong pigilan...
"Sandali lang. Meron pa..." Pahabol pa nito.
Nilingon ko itong muli at nakita kong nakangiti ito sa akin. Ilang saglit pa...
"Uhm...Gen? Pwede ba kitang makasama mag-lunch?" Ang nahihiyang tanong nito sa akin.
Hindi ko alam, pero yung puso ko ay parang gusto ng kumawala sa rib cage na nakaharang dito. Kung nagkataon lang na yakapin ako ng sino man ay tiyak na mararamdaman nila ang pintig nito. Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa kanyang mga sinabi, kaya naman...
"Gen? Okay lang ba?" Muling tanong niya.
Tumango lang ako bilang tandan ng aking pagsang-ayon.
Matapos nun ay nagpaalam na ito sa akin at umalis na. Nagulat na lang ako ng may marinig akong tunog ng ahas at ilang saglit pa ay may sumakmal sa aking leeg. Nang lingunin ko ito...
"Aray!" Sigaw ko ng may sumakmal na naman sa akin at ngayon ay sa mukha.
"Sabi na nga ba, etong mga ahas ko lang ang magpapagising sa ulirat mo eh..." Ang may pagmamayabang na sabi ni Jesse habang naka-mwestra ang dalawang kamay nito na wari mo'y tutuklaw. "Tunay na makamandag ang mga ahas ni Galema! Ssss...." Sabi pa nito habang kunwari ay nanunuklaw na ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
GAMBLE (boyxboy) (Completed)
RomanceSi Genesis Mercado ay isang simple, matalino ngunit mahiyaing estudyante na ang tanging hangarin ay makatapos sa kurso ng medisina. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang niya ang nakakaalam ng tunay niyang kasarian. Hindi sa ikinakahiya ni...