Chapter 2
"Hoy tol!" lumingon si Earth pagkarinig ng boses ni Seth "Musta araw mo?" tanong nito ng mahabol niya si Earth.
"Ui. Ikaw pala. Ayun. Nakakapagod pala dito. Tapos ang weweird pa ng mga baliw" reklamo ni Earth habang naglalakad papunta sa may parking lot ng mga motor.
"malamang! Baliw nga sila, diba? San ka ba nakita ng baliw na hindi weird?" sabi ni Seth habang hinahabol ang napakadaling maglakad na si Earth.
"Ang ibig kong sabihin.." huminto si Earth sa harap ng motor nya at nilabas ang susi nito "kakaiba sila! Parang may sapi sila ng masamang espiritu. Si May nga kanina, umiiyak tapos maya't maya tatawa! Para siyang multo sa horror movie. Alam mo yun, nakakakilabot!" kwento nito habang sumasakay sa motor.
"Ewan ko sayo! Baliw nga sila. May mental disorder! Hindi normal ang pag-iisip. Kaya nga sila nasa mental para magamot yung problema sa kanila. Sang banda pa ba dun ang di mo naiintindihan? tsk!" pagpapaliwanag ni Seth.
"Ay ewan! Kung meron lang talaga kong pera ngayon, di ako magtatrabaho dito!" sinuot na ni Earth ang helmet nito. "Oh? Asan yung sasakyan mo?" tanong ni Earth sa bestfriend nito.
"Nasa talyer. May problema. Makiki-angkas na lang ako!"
"psh! Swerte mo dahil dalawa yung dala kong helmet ngayon! Oh!" binigay ni Earth ang extra niyang helmet kay Seth.
"Gusto mong pumasok sa loob?" tanong ni Seth pagkarating nila sa tapat ng bahay nila.
"Andyan ba si Selena? Baka di na naman ako pauwiin nun" tanong ni Earth kay Seth. Si Selena, ang 16 years-old sister ni Seth.
"Ate? Bat parang narinig ko ang boses ni--OMG! Kuya Earth!" bigla na lang sumulpot sa tabi ni Earth si Selena. "Kuya! Tamang tama ang dating mo, kakahain lang namin ni mama ng pagkain. Tara! Dito ka na magdinner samin" hinila ni Selena si Earth kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng bahay nila Seth.
Napa-iling na lamang si Seth dahil mas napansin pa ng kapatid niya ang presensya ni Earth kaysa sa kanya.
Kapag pumupunta si Earth sa bahay nila Seth, palagi siyang kinukulit ni Selena. Kahit saan lugar, basta pagnakita niya si Earth palagi siyang nagiging hyper. Parang vitamins niya si Earth. Minsan nga di na siya pinapa-uwi nito.
"Ma!Pa! Andito si Kuya Earth!" Sigaw ni Selena pagkapasok nila ng bahay.
"Earth! Napasyal ka? Kamusta na?" tanong ng papa ni Seth habang naglalakad papunta sa dinning table nila.
"Ah. Ayos lang po tito." Pina-upo ni Selena si Earth sa may tabi nito.
"Kuya! Anong gusto mong ulam?"
"Kumain ka lang Earth.. Wag kang mahiya" sabi naman ng mama ni Seth pagka-upo nito sa upuan.
"Kuya. Masarap to! Niluto namin to ni Mama eh" sabi ni Selena habang sinasalinan ng sinigang ang plato ni Earth.
Nagkatinginan na lang sila Seth at Earth.
Pagkatapos nila kumain, yinaya ni Selena si Earth na magmovie marathon.
"Selena, may trabaho pa yang kuya Earth mo bukas, kaya kailangan niya ng umuwi ngayon!" sigaw ni Seth kay Selena
"Psh! Sige na nga. Hahatid na kita sa labas!" nagtatampong sagot ni Selena.
