Introduction.

18 0 0
                                    

*ding.ding.ding*

Urgh! Kailan pa ba matatapos ang basketball game na yan? Halos mag 1 week na yang game na yan ah', hindi pa rin ba tapos? Parang ang cliche naman masyado kung lagi silang tie kapag laban. Naiines na talaga ako hindi ako makapagfocus ng mabuti.

 "hay, sabi ko na andito ka lang eh" nilapitan ako ng best friend ko habang sumisipsip ng palamig na binili nya ata sa labas.

 "marami-rami pa akong babasahin eh" tumabi sya sa'kin habang nagbabasa ako. Tiningnan ko sya at nakita kong kumakain sya ng cracker eh bale gutom na rin ako kasi kaninang-kanina pa ako dito. Nakakagutom kaya magbasa. "hoy, pahinge nga ako niyang kinakain mo" dumukot siya sa bulsa nya at inabot niya sa akin yung 'voice' na nasa bulsa niya. Habang binubuksan ko yung voice eh kinuha naman niya yung libro na nasa binto ko.

 "Tapos mo na 'tong the fault in our stars?" binuklat niya at nagulat siya. Hay anu b yan. "shet! ang daming highlight. klaseng maraming magagandang line dito"

 "marami talaga" pinagmalaki ko talagang maraming magandang line kasi marami naman talaga ih, hihi. Kinikilig nanaman ako gawa nung stroy huhu </3.

Kinuha ko yung libro sa kanya at inilagay ko na ito kasama nung mga ibang libro.

 "di ba binabasa mo lang to kaninang umaga? Tapos mo na talaga?" kinuha nanaman niya ulit yung libro at binuksan-buksan niya ulit. Bano lang.

 "uhm, pwede? kani-kanina lang. Ang ganda nga kasi nung kwento kaya hindi ko tinigilan hangga't hindi tapos" nagkatinginan lang kami at nagtitigan kami. Sorry ah', ganito talaga kasi kami. Hindi kasi kami magkatulad nitong best friend kong si Franchela.

 1. Bookworm ako siya hindi.

 2. Hindi ako mahilig sa tao, siya mahilig.

 3. palakaibigan siya ako hindi.

 4. Nakakasagot ako sa recitation siya hindi.

Dinagdag ko lang yung dulo para naman may positive side ako.

"intayin ko na lang yung movie -_____- . So? ano na binabasa mo ngayon?" tiningnan ko siya at kumagat ako ngvoice. Kinuha ko yung libro sa tabi ko at ipinakita ko sa kanya. "paper towns"

 "same author?"

 "yep" humiga siya sa hita ko at inilagay yung plastic ng palamig doon sa tabi nya. Medjbastos lang tong si franchela pero matino naman to. 

 "sige magbasa ka na matutulog muna ako"

 "hoy!" hinawakan ko yung ulo nya at agad kong ibinangon ito. Aba! Ayoko nga, gumagana na nga utak ko may pasanin pa ako dito sa hita ko? Aba naman. Ang laki pati ng ulo neto ni franchela, wag kayo maingay ha'. Malaki kasi talaga.

 "magbasa ka na lang dyan" humiga pa rin siya kahit ayaw ko. Ano pa ba magagawa ko? Hay. Eh di pinahiga ko na.

Habang nasa gitna ako ng pagbabasa ko ng paper towns ay unti-unting nagbukas yung pinto that makes a very creepy sound. Tumingin agad ako sa pinto at tinakluban ko ng libro yung mukha ko. 

Shet. Ano kaya? May araw pa naman hindi naman pwedeng aswang to. Baka naman ghost? My god! Okay, I'll will quit reading horror books I'm creeping myself out.

 "Miss Angela Diaz?" sandali, unti-unti kong binaba yung libro kaya reason na mata lang yung nakalabas sa mukha ko at surprisingly nakita ko ang dean namin na nakatayo sa harap ko.

 "Yes, Dean?" ba't kaya ako kilala neto? Nako, baka bawal ang hindi manuod ng sportsfest dito. Nako patay. Baka may nagsumbong sa'kin. Tinitigan ko lang si Dean and she stared back at me.

 "Follow me" Nako patay. Lumabas na si Dean at ako naman ay ginigising ang tulog na tulog na si Franchela. "hoy franch, gising dali" tinapik tapik ko na yung noo nya at effective siya.

 "urmmm... be...kit? *yawn* ano ba?"

 "aalis ako tawag ako ni dean" dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa hita ko at mas madahan kang inilapag sa sahig. "uy franch, yung mga libro ko ah bantayan mo"

 "sige. bye" pinikit na niya ang mata niya at parang tulog na ata siya. Grabe, bilib talaga ako dito sa babaeng to, pagdating talaga sa tulog ang takaw takaw -__- .

 Kinuha ko yung paper towns na inilapag ko kanina sa tabi ko nung inalis ko yung ilo ni franchela sa hita ko at umalis na ako sa room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When you Met this Guy (coming soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon