CHAPTER 2: The Twins

10.7K 407 36
                                    

A/N: Dedicated to you, Epic_Fandom! Maraming-maraming salamat sa patuloy mong pagbabasa sa mga stories ko. Thank you din sa friendship at chikahan about kpop! Hahaha! At super thank you sa video trailers na ine-edit mo para sa mga stories ko. Looking forward to another video editing na gagawin mo. Hahaha! :p


Let's meet the twins. Enjoy reading, readers! ^____^



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



CHAPTER 2: The Twins



SKYE'S POV



After my two classes this morning - English Literature and Art History - that most of it were just an introduction of the students and professors, I decided to look for Uno. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasisigurong siya na naka-encounter ko kaninang umaga sa daan, na siya ring nakausap ko kanina dito sa school, at ang lalaki sa picture ay iisang tao lang.


The six boys I met earlier, they mentioned that it was their Captain. Maybe, they were talking about their basketball captain. So, agad akong nagtungo sa lugar kung saan sila posibleng naroon ngayon. Gym.


Nang makarating ako sa gym, agad kong nakita ang pitong lalaki na mga naka-school uniform instead of wearing jerseys. Uno, if I'm not mistaken, was standing and dribbling the ball while looking at the ring. Nakaupo lang at nakatingin sa kanya ang iba pang lalaki habang nagtatawanan. Nakatalikod sila sa direksyon ko kaya hindi nila ako napansin nang bahagya akong lumapit sa kinaroroonan nila.


"The best yung laban natin nung finals four months ago. Riot! But, I had so much fun there."


"At sino ba naman ang makakalimot sa ginawa ni Captain Uno? Imbes na bola ang abutin niya during jumble, aba! Straight to that asshole's ugly face ang kamao niya. Ayun! Hinalikan ng hayop na kalaban natin ang matigas na sahig," pahayag ng isa sa kanila sabay tawa.


"At syempre, bago pa ko maunahan ng kalaban nating nasa tabi ko that time, sinuntok ko na rin ang pagmumukha niya kaya hindi na nakaporma. Nakakapanggigil ang mga hinayupak."


"Sino bang hindi manggigigil sa kahayupang ginawa nila sa kaibigan at kasamahan natin?"


"Kung tayo lang ang na-disqualified sa championship game that time, aba! Talagang aalma ako. Those jerks didn't deserve to be in a championship or even in the top four. Dahil noon pa man, marumi na silang maglaro. Tsk."


"Yeah. Yung sinabi ni Captain Uno sa kalaban na 'I will give you a fair fight on our game'? Nang suntukin niya yung hayop na captain nila, doon ko lang totoong naintindihan ang sinabi niyang iyon. Because those assholes never gave a fair fight inside and outside the court."


"The best din ang moves ni Captain One. Nakatayo lang siya at hindi nakikisali sa rumble natin sa gitna ng court. Pero, nang dambahin siya ng isang kalaban natin, walang pakundangan na binalian niya ito ng isang kamay."

Twins Are In Love ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon