CHAPTER 5: The Try-Out

8.9K 362 93
                                    

A/N: Dedicated to you, frelia1334! Isa ka sa mga readers na nakikita kong nagvo-vote at nagbabasa ng mga stories ko! Thank you so much and keep reading this story. :)


Team Uno-Skye? Team One-Ash? Team One-Skye? O Team Uno-Ash? Saang team kayo? Enjoy reading, readers! ^____^



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



CHAPTER 5: The Try-Out



SKYE'S POV



Today is Friday at patungo na ko sa gym para sa volleyball try-out. Hanggang 3PM lang ang klase ko kaya tamang-tama lang para may oras pa ko para makapag-ready. The badasses already said good luck to me when we saw each other earlier in the morning. Pupunta raw sila mamaya sa gym para suportahan ako.


Natutuwa akong makilala sina Lynn, Hillary, Rillette, Piper at Finley. Maraming estudyante ang ilag at umiiwas, pero mas marami pa rin ang nagtataasan ng kilay sa kanila. Hindi na lang nila iyon pinapansin dahil ayaw raw nilang masayang ang oras nila sa mga taong iyon.


Nakilala ko na rin yung sinasabi nilang Cliffer Montalvo na pinakabata na basketball player at kaibigan din nila. Magkaklase kami sa dalawang major subjects ko. I'm taking up Bachelor of Fine Arts, same course and year level with him. Maraming na-credit na subjects mula sa former school ko kaya masasabi kong okay yung class schedule ko sa MEU this semester. Besides, tapos na ang Finals namin at isang linggo na lang din kasi ang natitira bago matapos ang semester nang ma-kick out ako.


Tahimik si Cliffer. Sobra. Kapag hindi mo siya kinausap, hindi ka rin niya kakausapin. Kung ano lang yung tinanong mo, iyon lang din ang sasagutin niya. Kumbaga, makakaramdam ka ng hiya kapag kinausap mo siya. Pakiramdam mo kasi, hindi ka niya papansinin lalo na kung ayaw niya sayo. Pero, nang minsang makita kong kasama niya ang mga kaibigan niyang lalaki, madaldal naman siya. Nakakapagyabang at nakikipaglokohan pa nga siya sa mga ito. Siguro talagang ganun lang siya. Tahimik sa ibang tao, pero madaldal pagdating sa mga kaibigan niya.


Pagdating ko sa gym, medyo marami na ring nakapila sa registration area. And I was already filling out the form when I saw a pair of shoes standing in front of me. "Look who's here." I lifted my head and met the gaze of the bitch I met three days ago. May hawak din siyang form bago iyon ibinigay sa isang babaeng nagbabantay sa registration area.


"You'll try-out in the volleyball team? Lakas din naman ng loob mo, ano? Why don't you just back out and go home?"


"Why? Are you scared that you'll not gonna make it on the volleyball team because of me?" I mocked before giving back the filled-out form to the registration area.


"No. Why would I? And who are you, anyway? Even though you're not here, I'm sure that I'll make it to their team."


"Good luck, then," I said sarcastically before turning around.


Twins Are In Love ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon